Mayroong ilan na nanggugulo sa inyo
at nagnanais na baluktutin ang Ebanghelyo ni Cristo.
-Galacia 1:7
Ang San Francisco at New York City ay
gumagamit ng isang uri ng isda na tinatawag na bluegill upang malaman kung may
lason ang pinagkukunan nila ng tubig. Ginagawa nila ito dahil maaaring lagyan
ng mga terorista ng lason ang tubig na iniinom ng mga tao. Mabilis makaramdam
ng lason ang bluegill kaya naglalagay sila ng ilang bluegill sa tangke ng
tubig. Nakikita sa galaw ng mga isda kung may lason ang tubig.
Nais ni Pablo na nag mga
mananampalataya sa Galacia ay maging katulad ng mga isda na madaling makaramdam
ng ‘lason’ o madaling makikita ng maling katuruan na nagtuturong ang tao ay
maliligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan at pananampalataya kay Jesus.
Ang maling katuruang ito ang sinasabi ni Pablo na makakagulo sa katotohanan.
Kaya sinabihan niya ang mga mananampalataya sa Galacia na huwag itong
palampasin. Dapat nila itong batikusin. Sinabi pa ni Pablo na sumpain ang
sinumang nangangaral ng maling paraan ng kaligtasan sa kaparusahan sa kasalanan
(Galacia 1:8-9).
Para malaman kung ano ang ‘lason’ o
maling turo, pag-aralan ang Biblia. Ipahayag natin ang katotohahanan na
iniligtas tayo ng Dios sa kaparusahan sa kasalanan sa pamamagitan ng pagtitiwala
sa Panginoong Jesus.
Isinulat ni: Marvin Williams
“Ituro N’yo
po sa akin ang Inyong Salita,
Upang akin
pong malaman ang mali at tama;
Ilayo nawa
ako ng Inyong Espiritu,
Sa patibong
ng diyablo at kanyang panunukso.”
KUNG ALAM MO ANG KATOTOHANAN,
MAKIKITA MO ANG KAMALIAN.
No comments:
Post a Comment