Saturday, July 2, 2016

PAGPAPALINIS NG SASAKYAN

Kapag dumaan ka sa malalim na tubig, sasamahan kita.
-Isaias 43:2

Hindi ko makakalimutan ang una kong pagpapalinis ng kotse sa makinaryang naglilinis ng sasakyan. Takot na takot ako na para bang magpapabunot ng ngipin. Pagkatapos kong maihulog ang bayad, kakaba-kaba kong tinitingnan kung sarado ang mga bintana. Maya-maya, unti-unti nang pumapasok ang kotse na para bang hinihila sa loob ng makinarya. Narinig ko ang lagaslas ng tubig at ingay ng pagsasabon sa aking sasakyan. Kung sakaling hindi na ako makaalis doon at paano kung pumasok ang tubig sa loob ng sasakyan. Natatakot talaga ako sa hindi malamang dahilan. Pagkatapos ng paglilinis, lumabas sa makinarya ang aking sasakyan. Malinis na ito at makintab.

Sa gitna ng pagkatakot sa makinaryang iyon, naalala ko ang mga pangyayari sa aking buhay na hindi ko kontrolado. ‘Paglilinis ng sasakyan’ ang tawag ko na sa mga iyon. Naalala ko na sa tuwing dumaranas ako ng matinding pagsubok ay iniingatan ako ng Dios (Isaias 43:2). Kapag napagtagumpayan ko ang pagsubok na iyon, masaya at may pagtitiwala kong sinasabi, “Matapat ang Dios.”

Para ka bang nasa loob ng sasakyang nililinis? Magtiwala sa Dios na pagkatapos mong dumaan sa pagsubok, mapapatunayan mo sa iba na iniingatan talaga tayo ng Dios.

Isinulat ni: Joanie Yoder

“Kahanga-hangang malaman na ang Panginoon
Na nagmamasid sa atin sa buong maghapon
Ay iniingatan tayo sa buong panahon;
Pag-ibig Niya sa atin ang siyang kumakanlong.”


PINAGNININGNING TAYO NG MGA PAGSUBOK.

No comments:

Post a Comment