Magtiwala kayo sa Kanya sa lahat ng
panahon… ang Dios ang kanlungan.
-Awit 62:8
Bumili ako ng voice recorder. Sinabi
ng nag-asikaso sa akin sa pagbili na mayroon din siya nito. Iniiwan daw niya iyon sa loob ng
sasakyan nang nagtatrabaho pa siya sa California. Sinabi niya, “Kapag
nagmamaneho na akong pauwi, nakabukas ang voice recorder habang sinasabi ko ang
lahat ng mga nangyari sa trabaho ko sa araw na iyon, maganda man o masama.
Kapag papasok na ako sa garahe, binubura ko na ang aking mga sinabi.” Mabuti
daw na may voice recorder siya. Hindi na daw niya kailangang dalhin pa sa loob
ng bahay ang kanyang mga problema.
Nang marinig ko ang kanyang sinabi,
naalala ko ang madalas kong pagsasabi sa iba ng aking mga kabiguan at mga
problema sa halip na sa Dios. Sinabi ng sumulat ng Awit 62:8, “Sa lahat ng oras
magtiwala kayo sa Kanya. Sabihin ninyo sa Kanya ang lahat ninyong suliranin,
sapagkat Siya ang nag-iingat sa atin.” Dalawang beses niyang ipinahiwatig na
umaasa siya sa Dios na kanyang Kanlungan at Tagapagligtas (Awit 62:1-2, 5-7).
Nakakagaan ng kalooban ang pagsasabi
sa kaibigan ng ating mga problema, pero hindi
nito mapapantayan ang tulong na ibinibigay sa atin ng Dios kung sa Kanya
natin sasabihin ang ating mga problema.
Isinulat ni: David Mc Casland
“Ang
Panginoong Jesus ay totoong kaibigan;
Anumang
problema Siya’y mapagpapahingahan;
Mga
suliranin sa Kanya idalangin;
Tutulungan
Niya tayo sa ating pasanin.”
SABIHIN SA DIOS ANG ATING PASANIN.
No comments:
Post a Comment