Saturday, July 2, 2016

ANG LAYUNIN NG DIOS

Iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa.
-1 Cronica 29:11

Bakit hinahayaan ng Dios na dumanas ang tao ng matinding pangangailangang pinansyal? Ayon kay John Piper, isang kilalang pastor sa Amerika, may mga layuning naisasakatuparan ang Dios sa pamamagitan ng kakulangang pinasyal. Halimbawa:

1.     Kapag nakakaranas tayo ng kahirapan, sinisiyasat natin ang ating sarili. Pagkakataon ito na magsisi sa kasalanan at lumapit sa Dios.
2.     Kapag naranasan na natin ang maghirap, marahil ay matututo tayong magmalasakit sa mga naghihirap.
3.     Kung kaunti lang ang ating pera, maaaring sa Dios tayo maghahanap ng kasiyahan – hindi sa material na bagay.
4.     Sa panahon ng kasaganaan, madaling malimutan na ang Dios ang nagpapalago sa Kanyang iglesya at hindi tayo. Ngunit kapag dumarami ang mga mananampalataya sa panahon ng paghihirap, ang Dios ang naluluwalhati.
5.     Kung kapwa mananampalataya ang naghihirap, maaaring binibigyan tayo ng Dios ng pagkakataong matulungan ang ating kapatid sa Panginoon.

Walang bagay na hindi magagawa ng Dios (Lucas 1:37). Ang Kanyang kapangyarihan ay hindi nakasalalay sa ating kayamanan. Kahit maghirap tayo, Siya pa rin ang may-ari ng lahat (Awit 50:10). Kahit maghirap tayo, hindi Niya tayo pababayaan (Mateo 28:28). Huwag tayong umasa sa panandaliang kayamanan kundi sa ating Dios na pangwalang-hanggan!

By: Cindy Hess Kasper

“Kung mga pagsubok ay ating nararanasan,
Ang Dios ang dapat nating pagtiwalaan;
Ipamamalas Niya ang Kanyang kabutihan,
Ang sa Kanya’y susunod ‘di Niya iiwan.”


KUNG NASA IYO ANG DIOS, WALA KA NANG IBANG KAILANGAN.

No comments:

Post a Comment