Thursday, December 1, 2016

MAKASALANAN

Napakalaki ng biyayang ipinagkaloob sa akin ng… Panginoon.
-1 Timoteo 1:14

May isang aplikante ang sumusulat ng sagot sa mga tanong sa aplikasyon niya sa trabaho. Ang isang tanong doon ay “Nabilanggo ka na ba?” Isinulat niya, “Hindi pa.” “Tapos, ang sumunod na tanong para lang sa mga nabilanggo na. Pero sinagot pa rin niya ito. Ang tanong ay, “Bakit?” Ang kanyang isinulat ay, “Hindi pa kasi ako nahuhuli.” Aminado ang aplikante na marami siyang nagawang kasalanan.

Aminado rin si Pablo na apostol ni Jesus na marami siyang kasalanan sa Dios. Sinabi niya sa 1 Timoteo 1:13, 15 na siya noon ay lapastangan, mang-uusig, mapanglait at pinakamakasalanan sa lahat.

Tayong lahat ay makasalanan din naman. Nahiwalay tayo sa Dios at itinuring na kaaway Niya (Roma 5:10, Colosas 1:21.) Kung hihingi tayo ng tawad kay Jesus at magtitiwala sa Kanya, patatawarin Niya tayo at gagawing kaibigan.

Hindi dapat makalimot ang mananampalataya sa ginawang pagpapatawad at pagliligtas ng Dios sa kanila. Upang hindi isipin na mas mabuti tayo sa iba, alalahanin ang kalagayan natin noong ‘di pa tayo nagtitiwala sa Dios. Makakatulong rin ang pagkukuwento ng ating kamalian at pagpapasalamat sa Dios sa pagpapatawad Niya sa atin.

Makasalanan tayong lahat pero sa kabila nito, kinaawaan tayo ng Dios. Kaya nararapat lamang na Siya ang ating purihin.

Isinulat ni: Anne Cetas

“Ang ating kasalanan at kamatayan,
Tayong lahat ang may kagagawan;
Ang kapatawaran sa ating kasalanan,
Kabutihan ng Dios ang pinagmulan.”


DAHIL SA KABUTIHAN NG DIOS, MAY MATATAMASA TAYONG MGA BAGAY NA HINDI KARAPATDAPAT SA ATIN.

No comments:

Post a Comment