Thursday, December 1, 2016

MULA BULATE HANGGANG DIGMAAN

Sinabi ng Dios (kay Gideon) “Sumaiyo ang kapayapaan, huwag matakot.”
-Hukom 6:23

Unang beses pa lang mamimingwit ang 10 gulang na si Cleotis. Nang makita niya ang mga paing bulate ay nag-atubili siyang magsimula. Sa wakas nang tanungin siya kung bakit, sagot ng bata, “Takot ako sa bulate!” Ang takot niya ay pinigil siyang kumilos.

Ang takot ay nakakaparalisa kahit kanino. Si Gideon ay pihong natakot nang ang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kanya habang naggigiik siya ng trigo ng patago mula sa mga kaaway na mga Midianita (Hukom 6:11.) Sabi sa kanya ng anghel na pinili siya ng Dios para manguna sa mga tao Niya sa digmaan (tt.12-14.)

Ang sagot ni Gideon? “Paano ko maililigtas ang Israel? Ang aking angkan ang pinakahamak sa sambahayan ng aking ama!” (t.15.) Nang matiyak na kasama niya ang Panginoon, tila may takot pa si Gideon at hiningi niya sa Panginoon na pakitaan siya ng tanda na gagamitin nga siya ng Dios para iligtas ang Israel gaya ng Kanyang pangako (tt.36-40.) At pinagbigyan ng Dios ang hiling ni Gideon. Nagtagumpay ang Israel sa digmaan at nagtamasa ng kapayapaan sa loob ng 40 taon.

Lahat tayo ay may kinatatakutan – mula bulate hanggang digmaan. Ang kuwento ni Gideon ay nagtuturo na makaaasa tayo dito: kung may ipinagagawa ang Dios sa atin, bibigyan tayo ng lakas at kapangyarihan na magawa ito.

Isinulat ni: Anne Cetas

“Kung may takot sa kinabukasan
Tandaan ang Dios malapit lang
Bibigyan ka ng lakas, galak at pag-asa
Bibigyan ka Niya ng Kanyang kapayapaan.”


PARA MAALIS ANG TAKOT NA DUMARATING SA BUHAY, MAGTIWALA SA BUHAY NA DIOS.

No comments:

Post a Comment