Thursday, December 1, 2016

TAPAT NA PAGMAMAHAL

Dalangin ko na… lubusang maunawaan ninyo… ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip.
-Efeso 3:17-19

Si Thomas Carlyle ay isang kilalang manunulat noon. Napangasawa niya si Jane Welsh na isa ring manunulat. Nang maging mag-asawa sila, palagi nang tumutulong si Jane kay Thomas. Mainitin ang ulo ni Thomas dahil may mga karamdaman siya, ngunit sa halip na mainis si Jane sa ugali ni Thomas, nagsikap talaga siya na masunod ang mga gusto nito.

Matindi ang pagmamahal ni Jane, pero wala siyang masyadong natatanggap na pasasalamat kay Thomas. Ngunit sa isang liham ni Thomas sa kanyang asawa, ganito ang kanyang isinulat kay Jane: “Ang pagmamahal niya sa akin ay isang tapat na pagmamahal. Hindi ako karapatdapat mahalin nang ganoon! Tuwing tumitingin ako sa kanyang mata, nagpapagaan sa loob ko ang magkahalong ligaya at malasakit na nakikita ko doon.”

Mayroon ding tapat na nagmamahal sa atin, kahit mga makasalanan tayo. Hindi tayo karapatdapat na mahalin ng Dios, pero minamahal Niya tayo. “Hindi ipinagkait (ng Dios) ang Kanyang sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat” (Roma 8:32.) Ang Kanyang pag-ibig ay “hindi kayang abutin ng pag-iisip” ng tao (Efeso 3:19.)

Napakahalaga na malaman natin na mahal tayo ng Dios. Nawa’y maunawaan nating lahat ang matinding pagmamahal ng Dios sa atin (tal.17.)

Isinulat ni: Anne Cetas

“Ako’y umaasa kay Jesu-Cristo
‘Pagkat Siya ay tapat at hindi nagbabago.
Palagi Niya tayong mamahalin
Kaya’t Siya’y papuriha’t luwalhatiin!”


WALANG HIHIGIT SA KASIYAHANG NARARANASAN NG NAKAKAALAM NG MAHAL SIYA NG DIOS.

No comments:

Post a Comment