Thursday, December 1, 2016

UHAW NA UHAW

Tulad ng usang sa tubig ng batis ay nasasabik, o Dios ako sa Iyo’y nananabik.
-Awit 42:1

Binisita ko noon ang aking kapatid sa kanlurang bahagi ng Aprika. Ipinasyal niya ako sa kanilang lugar. Habang namamasyal kami, naging napakatindi ang sikat ng araw. Humingi ako ng tubig sa aking kapatid dahil tuyung-tuyo na ang aking lalamunan. Ngunit nalimutan niya palang magdala ng tubig. Uhaw na uhaw na talaga ako kaya naghanap kami ng makukunan ng tubig. Habang tumatagal, patindi ng patindi ang pagkasabik ko sa tubig.

Sa wakas, naisip din ng kapatid ko kung saan kami makakainom. Pumasok kami sa gusali ng isang embahada. Kumuha agad ako ng baso at sabik na sabik na uminom. Kinailangan kong uminom ng ilang ulit para mapalitan ang tubig na nawala sa aking katawan.

“Tulad ng usang sa tubig ng batis ay nasasabik, O Dios ako sa Iyo’y nananabik (Awit 42:1.) Ipinakita dito ng sumulat ng Awit na ang kanyang kaluluwa ay uhaw na uhaw sa Panginoon.

Nauuhaw ka ba sa mga bagay na hindi kayang ibigay ng mundong ito? Iyan ay pagkauhaw ng iyong kaluluwa sa Dios. Lumapit ka sa Kanya na tanging makapapawi ng iyong uhaw. “Pinaiinom Niya ang nauuhaw at pinakakain ang mga nagugutom” (Awit 107:9.)

Isinulat ni: Cindy Hess Kasper

“Ang kaluluwa ko’y gutom sa katotohanan,
Ang Iyong Salita ang tanging kasagutan;
Hindi na ito mauuhaw kailanman,
Ang batis ng ‘Yong biyaya’y walang katapusan.”


SI HESUS ANG TUBIG NG BUHAY NA MAKAPAPAWI NG UHAW NG ATING KALULUWA.

No comments:

Post a Comment