Iyon oh! 32 na me. At iyon
oh! Still single pa me.
Nang ako ay
nakapag-trabaho bilang isang sales lady, isa sa katuwaan ng kapwa ko sales lady
ay ang ireto ako ng ireto sa lahat ng single guy na napapadako sa aming mga
shop. Mapa-janitor, security guard, messenger, salesman, agent ay hindi
napapalagpas na nairereto sa akin.
For me, I take it lightly
and treated it as a source of good and clean fun.
Para sa marami, mahirap
talaga maging single lalo na kapag nasa 30’s na. Andiyan kasi ang sandamakmak
na panrereto at sandamukal na pagtatanong kung bakit single pa.
Nakakatuwa lang.
Nakakatuwa dahil madalas, napaghihingahan ako ng mga kapwa ko sales lady ng
sandamakmak nilang painful experiences sa buhay may asawa. Nasasabi ko na lang
sa sarili ko, “Kitamz, palagi nila ako pinu-push na mag-asawa na pero ngayon
magsasabi sila na nakaka-miss ang buhay single.” Waha! Ano ba talaga sistah!
Nasasabi ko na lang sa
kanila, “Single or in marriage, magiging satisfying lang ito kung si Jesus
Christ ang sentro.”
Ngayong birthday ko,
marami na naman ang magtatanong at marahil you’re one of them, “Yhang,
mag-aasawa ka pa ba?”
Ano sa palagay mo ang
isasagot ko?
“May you see Jesus Christ
at the centre of my life; whether single or in marriage.”
Godbless.
florina “yhang” cabrera < 3
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment