Monday, May 1, 2017

ALL ABOUT MOM

Ang pagtatalo ng Asawang Lalaki sa Psychologist:

Psy: Anong ginagawa mo sa buhay Mr?
Mr: Nagtatrabaho ako bilang accountant ng bangko.
Psy: Eh ang asawa mo?
Mr: Wala siyang trabaho. Nasa bahay lang – housewife.
Psy: Sino ang nagluluto ng pagkain ninyong pamilya?
Mr: Ang asawa ko kasi wala siyang trabaho.
Psy: Anong oras nagigising ang asawa mo para magluto ng almusal ninyo?
Mr: Nagigising siya bandang 5 ng umaga kasi maglilinis muna siya ng bahay bago magluto ng umagahan.
Psy: Paano naman pumapasok sa eskuwelahan ang mga anak ninyo?
Mr: Hinahatid sila ng asawa ko kasi wala naman siyang trabaho.
Psy: Pagkahatid ng asawa mo sa mga anak niyo sa eskuwelahan, ano na ginagawa niya?
Mr: Nagpupunta na siya sa palengke at pagkauwi ng bahay ay maglalaba at pagkatapos ay magluluto. Alam mo na, wala naman siyang trabaho.
Psy: Sa gabi, pagkauwi mo galing trabaho, ano na ginagawa mo?
Mr: Magpapahinga kasi pagod na sa maghapong trabaho.
Psy: Ano naman ginagawa ng asawa mo?
Mr: Maghahanda na siya ng pagkain para sa akin at sa mga bata. Pagkatapos ay maghuhugas na ng pinagkainan, maglilinis ng kaunti at gagawa na ng assignment ng mga bata. Pagkatapos ay patutulugin na niya ang mga bata.
Psy: Sa tingin mo Mr., sino ang mas maraming trabaho sa inyong dalawa ng asawa mo???

Sa araw-araw, ang ina ang unang nagigising at huling matutulog sa gabi. Kaya huwag sabihin na “wala silang trabaho.”

“When a woman is quiet, millions of things are running in her mind.”

“When a woman stares at you, she is wondering why she loves you so much in spite of being taken for granted.”

“When she says ‘I will stand by you,’ she will stand by you like a rock.”

HAPPY MOTHER’S DAY TO ALL MOM : )

I LOVE YOU, ALL 3>


I LOVE YOU, MAMA ELSA koh 3>

No comments:

Post a Comment