Monday, May 1, 2017

STOP DISCRIMINATION

Yung batang buntis na nakita mo sa kalsada na sinabihan mong ang agang lumandi, na-rape pala siya.
Yung lalaking tinawag mong baduy, working student pala at wala siyang pambiling damit.
Yung nakatabi mo sa jeep na sinabi mong mabaho, construction worker pala siya at nagmamadaling umuwi dahil dala niya ang pera pambili ng hapunan.
Yung kaklase mong maraming beses umabsent at sinabihan mong tamad, araw-araw niya palang pinoproblema kung saan siya makakakuha ng pamasahe.
Yung crew ng fastfood chain na tinarayan mo dahil hindi ka masyadong narinig sa ingay sa loob ng foodcourt, working student pala at pangalawang duty na niya para matustusan ang pang-matrikula niya.
Yung ale na binarat-barat mo sa palengke dahil sa isang kilong gulay at sinabihan mong madamot, dose kilometro pala ang nilalakad papuntang palengke para makapag-trabaho ng marangal.

Akala kasi natin alam na natin lahat kaya madali sating mang-husga.


Wala tayong karapatang manghusga kung ang sarili mo nga puno ng dungis.

No comments:

Post a Comment