Napapansin mo ba ang aking mga mata
Na sumisisid pailalim sa iyong
kaluluwa?
Ako’y nabighani sa taglay mong
kagandahan
Kagandahan na higit pa sa
pinakamagandang
Katha na maaaring sisirin ng
pinakamagaling na manunula.
Higit pa sa mga letra at pantig na
kayang isulat ng mga pluma
Ng pinakamahusay na manunulat..
Mahal kita,
Lalanguyin ko ang karagatan ng oras,
Lalakarin ang distansya sa pagitan ng
kanluran at silangan
Pipilitin buuin lahat ng parirala na
maaaring sayo’y maglarawan
Maipinta ko lamang ang kulay ng aking
pag-ibig para sayo..
Hindi ko alam kung sino ka
Hindi ko alam kung nakita na ba kita
o makikita pa lang
Nais ko lamang na malaman mong mahal
kita
Higit pa sa teorya ng relativity ni
Einstein..
Ayiiehh..
Hahahaa..
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment