Sunday, September 2, 2018

STAY AND GROW

May tamang panahon para magpaalam at umalis. Minsan talagang resignation ang sagot sa pinagdaraanan mo. Pero mas madalas ang dapat mong gawin ay manatili at lumago sa kinaroroonan mo. Bakit kailangan mong mag-stay diyan sa iyong trabaho sa kabila ng stress, conflict, restlessness at kung anu-ano pang challenges na mayroon ka ngayon? Dahil kahit saan ka man magpunta, kahit saan ka pa mag-trabaho, you will still encounter conflict. You will still experience stress, restlessness and all sorts of challenges. Stay and grow where you are.

Kung ang hanap mo ay stress-free na trabaho, walang ganoon. Kahit pa gustung-gusto mo ng iyong ginagawa at mahal na mahal mo ang trabaho mo, makararanas ka pa rin ng stress. Kailangan ng tension ng strings para mailabas ng violin ang pinakamagandang musika. Kailangan ng tension para mas madevelop at lumakas ang mga ito. Stressful ang panganganak. There is a lot of pain involved pero kay gandang biyaya naman ng isang sanggol matapos itong mailuwal. Bakit di mo dapat takasan o iwan ang trabaho mo kahit mahirap o stressful ito?

1.THERE’S NO SATISFACTION FOR THOSE WHO EASILY GIVE UP. Kung ang tugon mo sa kada mahihirapan ka sa trabaho o negosyo mo ay resignation, hindi mo mararanasan ang feeling of satisfaction at fulfillment na mayroon ang mga nagtitiis at nagpupursige hanggang sa maabot nila ang finish line. Tapusin mo ang iyong sinimulan. Kahit saan ka magpunta, kapag alam mong mayroon kang unfinished business, hindi ka mapapakali. You will always wonder kung ano kaya ang nangyari kung hindi ka umalis at ginawa mo ang dapat mong tiisin. Stay and finish the work at hand.

2.YOU WON’T GET ESTABLISHED IF YOU KEEP ON MOVING. Noong bata pa ako, ang dalas naming magpalipat-lipat ng tirahan dahil sa trabaho at negosyo ng aking mga magulang. And every time we move, naiiwan siyempre ang mga kalaro at kaibigan namin. May mga kakilala pa rin kami sa dati naming subdivision pero hindi na-establish ang malalim na ugnayan sa mga kapitbahay at kalaro sa mga dati naming tinirhan. In the same way, you lose the privilege of growing and establishing good relationships if you keep on moving from one company to another. You have to stay to deepen and strengthen your roots.

3.YOU WON’T KNOW THE ENDING UNLESS YOU STAY. Nauso na sa mga pelikula ngayon yung may ipinapalabas pang teaser pagkatapos ng closing credits. But you won’t know what that is unless you stay and watch till the end. Ganyan din sa iyong trabaho, kung mag-reresign ka dahil bored ka na at feeling mo ay tapos na ang misyon mo diyan sa opisina ninyo, hindi mo malalaman kung paano palalaguin ng Diyos ang negosyo o kumpanyang iyan kung hindi ka mananatili. Isang Protips reader ang nagpost ng kuwento niya sa ating facebook page. Ang sabi ni Joy Capili Sicat, “Kung di ko po ipinagpatuloy ang pinapagawa ng Panginoon sa aming mag-asawa inspite all the hindrances and trials, wala po sana kaming school ngayon na patuloy na pinapalaki at pinagpapala ng Diyos.”

You will miss a lot of good things kung hindi tayo marunong magtiyaga at magpursige. Hindi man ideal ang work situation mo ngayon, kung hindi ka pa naman pinaaalis o pinalilipat ng Diyos sa iba, stay and grow where you are.”

-Maloi Malibrain Salumbides

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com

ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment