Tuesday, December 1, 2015

ARE WOMEN MOODY IN A RELATIONSHIP?



In my own personal experience,sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naiinis. Ang
kagandahan lang, pag naiinis ako ay nagso-sorry agad ako. Kung mahal mo talaga ang partner mo ay willing kang mag sorry agad at iwasan na ang mga bagay na ugat kung bakit kayo nagtatalo. Dapat ang lalaki ang unang mag sorry para mapatunayan niyang gentleman siya talaga. Hindi rin mabuti sa lalaki ang masiyadong dominante at strong will, ang taas ng ere na kaunting pagkakamali lang ng babae eh pinagtataasan na niya ng tinig at pinagsasabihan niya gamit ng mata2lim na salita. that is an attitude problem. Totoo na to have a dominant & strong will attitude ay nagpapakita na mahusay ka sa lahat ng bagay dahil perfectionist ka ng pagkatao ng iba but nagpapakita rin iyan na hindi mo na overcome ang iyong sarili.

Dapat huwag matakot na ipaalam sa partner ang weakness para matuto ang bawat isa na mag search ng heart before God. Kapag dominante ang lalaki ay hindi niya mae earn ang trust ng babae kasi wala siyang respect na naipapakita kundi gusto niyang siya palagi ang masunod,na hindi niya kailangan ng comment, correction & suggestion ng babae.

Ang babae ay mapaghanap ng lambing kaya pag di na siya napapansin tru txt, call or personal dates ay di maiwasang siya ay mag- isip ng negative. Sa start ng relationship, masiyadong sensitive ang babae kaya moody, di pa 100% ang trust niya sa lalaki, pero habang tumatagal ang relationship ay tumataas na din ang trust kaya nawawala na ang moodiness. Tataas lang ang trust ng babae kapag nadama niyang mataas ang respect sa kanya ng guy, yung di siya ia-under estimate tsaka malaya siyang nakakapagsalita sa guy, di siya natatakot magsalita dahil feel niya na respetado siyang pakinggan.

Mahirap din naman ang trabaho ng lalaki kapag nagsisimula pa lang ang relasyon. Basta ang technique,dapat tahimik lang ang lalaki kapag marami ng salita ang babae at kahit di feel mag sorry ng lalaki dahil ang babae ang may problem, dapat mag sorry pa rin sya.

Death to self ang relationship. Sa unang 2 years ng relationship ay napaka-selosa ng babae, dapat handa ang lalaki diyan at mag-ingat ng pamumuhay, hahaha. Kung mahal mo ang babae, dapat handa kang mahigpitan, mabantayan at mapag-aralan ng babae ang bawat kilos mo, parang cctv camera mo siya, hehehe. Basta tamang higpit lang, huwag naman iyo ng pati pakikipag bonding mo sa mga old friends mo,bestfriends and friends ay ipagbabawal niya. Dapat hindi nakakasakal, hehe.

Ang style dapat para patas ang relationship, kapag hinigpitan ka ng partner mo ay  higpitan mo din siya. Dapat.diyan maipapakita ang love sa isa’t isa. Mahirap kapag sobrang luwag sa isa’t isa, iyong walang rules & regulation kasi diyan pumapasok ang 3rd party.

Kapag palaging nag-aaway, dapat ay nagbabati kaagad dahil you have each other to be happy not to be sad. Kailangang ma overcome ang weakness ng bawat isa para always happy-jollibee, waha. Kung hindi ka rin liligaya, bakit ka pa papasok sa relasyon? Hangal ka. Iyan ang sinasabi ni Apostle Paul na mas mabuting single kaysa double para walang sakit ng ulo. Sa akin ay balewala na ang sakit ng ulo kaya gusto kong mag double, wahahahahhaahahhaha!!!

Kung bakit selosa ang babae kasi naghahanap siya ng assurance na mahal siya talaga ng lalaki kaya dapat everyday of man’s life ay ina-assure niya ang partner niya na love na love niya ito at napakalaking ginhawa iyan sa part ng girl.

That’s all, Thank you and God bless you. Your life is very important to Christ so, don’t waste your time for a man/woman who is not interested to Jesus. Huh.
By: Aldrin Cabrera


 

No comments:

Post a Comment