Tuesday, December 1, 2015

ISSUES CONCERNING NETWORKING BUSINESS



     NETWORKING IS A BUSINESS,CLIENT-BASED SALES.

     Mahirap talaga sa sales pero malaki ang kita kapag nag-tiyaga ka. Kung madali ang sales,wala sanang nag - fail diba? Mahirap sa sales pero may technique, may skills na dapat i - apply. Parang si Jesus lang iyan. Siya ay nag - recruit ng 12 apostle at ang 12 apostle ay na - recruite ang buong mundo. That is networking. Ang kauna-unahang networker ay si Jesus. Siya ang nagturo sa mga alagad ng networking. Sabi Niya, “Gawin ninyong alagad ang lahat ng bansa.” Sa ibang salita, “Recruitin niyo ang lahat ng tao sa Kristiyanismo.”

     Ang ibig sabihin ng networking business ay “pagpaparami ng sarili” kasi kung ikaw lang ay mapapagod ka at walang magpapatuloy ng sinimulan mo. That’s the biblical point of networking. Puro kasi masama ang iniisip ng marami sa networking. Huwag dapat sa puro negative, dapat may positive din.

     Si Jesus ang upline ng lahat, Siya ang top earner dahil Siya lamang ang dapat maitaas at maluwalhati. Dapat ang tamang sabihin, “Mag-ingat sa networking company na papasukan para hindi maloko.” Hindi puwede i - desregard ang networking profession.

     Iyong kapatid kong lalaki ay nasa networking na matino at kitang-kita ko na umuunlad siya. Kung bakit palaging nata - topic ng mga preacher ang networking dahil kinukuha nila iyong example sa loss of commitment ng marami at nagpapaloko kasi ang marami. Kapag nag - fullblast ka sa networking ay maaaring mapabayaan mo ang commitment mo sa Lord at iyon ang ayaw nilang mangyari.

     Networking is a business. Mabentahan ka ng product from networking o ikaw ang magbenta? Ang avon, natasha, mse&boardwalk ay networking din naman. Parang real state din. Iyan lang ang masasabi ko.

     Basta don’t forget na ahente ka ng kaluluwa. That’s the toughest but most rewarding profession. Wala ng tatalo diyan. Soulwinning business is like a networking business. Kailangan mong mag - invest ng pera sa soulwinning kagaya ng networking.

     cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com


No comments:

Post a Comment