Tuesday, December 1, 2015

HBD KUYA BESTIE!


Superduper – friendly.
Malakas ang bad odor.
I mean, malakas ang sense of humor.
Grabe humalakhak – kita ngalangala.
Simple. At gentleman.
Sweet din.

Iyan ang mga katangian ng isang tunay na lalaki? na itinuring kong “tunay na kuya” at “tunay na kaibigan.” Puwede ring “tunay na kapamilya” at “tunay na kapuso.” Ehehe.

Nakilala ko siya taong 2011. I think, month of June or July, basta ganun. Dahil baguhan ako sa fb that time, hala! Kung sinu-sino na lang ina-add ko. At na-add ko siya. Kagaya sa kuwento ng karamihan, ang friendship din namin ay nag-start through fb chat. At nalaman kong ka-Church ko rin pala siya. Ehehe.

Until one day…

We decided to meet sa aming Church na dinadaluhan parehas – C21. August 2011 ‘yun ih ng una ko syang na-meet at nakausap na rin personally (di na sa fb chat, ehehe.) Grabe nga siya makangiti ih. Napaghahalatang isa siyang clown staff ng isang party organizer company. Joke lang : D. I mean, halatang-halata na very friendly siya at very kind. Inabutan pa nga niya ko ng calling card niya ih na both smart and globe numbers niya ay nandun. Up to now, nasa akin pa din ung calling card na yun. Oo promise. Kulang na lang ipalaminate ko yun o gawing poster.

That means, very welcome ako to be his BFF-bestfriendforever. Mayro’n bang forever?

After that, wala na kami halos communication hanggang umabot ng months until forever. Joke lang :D Siguro dahil na-busy kami parehas. Ako ata nagka-lovelife na ulit that time. Siya ewan ko kung anong reason niya. Baka siguro umuwi siya sa province nila. O panay overtime sa work. O nagkasakit. O may hinahatid-sundong girl. O baka nagka-lovelife na rin. O kaya naman brokenhearted (ouch di naman siguro.) Whatever it is, I believe, hawak ng Lord ang life niya.

Septermber 2012 na ulit naulit ang aming communications. Parang PLDT lang. Napatunayan ko na may forever pala. Niyahaha. Naging strong ang friendship na ito until now. Kaya matuturing ko itong strong friendship that even the devil envied it.

Wala akong kuya sa laman. In the flesh, sa English. Ehehe. Kasi malamang, ako kaya ang 1st born sa magkakapatid, at ang 1st born daw ang pinakamaganda sa magkakapatid. Nakikibasa ka lang, ehehe. I mean, kaya naman, itinuring ko siyang kuya, si “kuyaMark.” Kahit di na ko fulltime sa Church, pag nami-meet niya ko, palagi niya pa rin akong inaabutan ng lovegift, HAHAHA. Iniisip ko na lang na, “Kuya” ko naman siya ih, tanggapin ko na lang at baka ma-offend sya if di ko kunin. (tsaka baka isang araw, tseke na ibigay niya sakin worth house and lot, ehehe.)

Almost 4 years ko na siyang kaibigan. Minsan naiinis ako sa kanya lalo na pag emote ng emote sa fb tsaka always selfie post, nasasabi ko pa nga sa sarili ko, “si kuya talaga, makukurot ko talaga toh pag nakita ko tong mokong na to” joke lang : D Pero bless ako in fairness sa mga Gospel post  niya : )

I mean, sa 4 years na friendship ay wala naman akong naalala na nag-talo kami sa isang simple o malaking bagay. Kung mangyari man yan at alam kong mangyayari kasi immature pa naman ako ih, tsaka minsan nakakainis din ako, eh ganun talaga, that’s life. Pero naniniwala akong ang friendship na ito ay patuloy na kakainggitan ng diyablong mabaho dahil ang friendship na ito ay mache-cherish until rapture.


Kuya BFF Happy Bday! Palagi mo patawanin si ateMins ah kasi taga-chapter na’ko ih, ehehe. BestFriend Forever!

No comments:

Post a Comment