Nang maging
ahente ng insurance si John sa isang kilalang kompanya ilang taon nang
nakalipas, ang layunin niya ay pagbutihin ang pagtatrabaho doon at hindi
ikumpromiso ang pananampalataya niya. May mga kasama siyang itinuring siyang
sobrang simple at inosente sa mga palakad ng mundo. Sa tingin nila, dapat
pumili sa dalawa – trabaho o integridad. Di raw sabay na nagagawa ang dalawang
ito.
Ngunit
nanindigan si John na naging maka-Dios na saksi sa mundo ng negosyo. May kahinaan
siya sa arithmetic, at ito’y nagtulak sa kanya na lalong mag-depende kay Cristo
sa lahat ng bagay. Lalong naging mabisa ang kanyang patotoo.
Sa mga taon
pang sumunod, siya’y naging pinakamagaling na ahente roon at ginamit siya ng
Dios para mapalapit kay Cristo ang marami sa katrabaho niya. Di naglaon naging
manedger siya ng pinakamalawak na sangay ng kompanya – ni minsan di niya
ikinumpromiso ang kanyang integridad.
Kuya Mark :
) alam kong nagsisikap kang mabuhay at magtrabaho na di ikinukumpromiso ang
pananalig sa gitna ng makamundong mga kasama. Alam ko ring nagsisikap kang
magpakabuti, ngunit minsan, pakiramdam mo ay di pa sapat ang ginagawa mo.
Ipinapaalaala ng Colosas 1:29 na ang pananangan natin sa kapangyarihan ng Dios
na sa atin ang gagawa para maging epektibo tayo. Ang buod ng prinsipyo ni John,
“Tinutulungan ako ng Dios na magawa ang mas higit pa kaysa sa aking
pinakamabuti!” Magagawa rin ito ng Dios para sa’yo, Kuya Mark : )
Say this
poem:
“Sa
paglakad, kamay ko’y hawak ng aking Manliligtas
May galak sa
paglakad
Di sa akin
kundi sa Iyong lakas.”
Dahil dito’y
nagpapagal din naman ako at nagsisikap ayon sa Kanyang paggawa na gumagawa sa
akin na may kapangyarihan.
Colosas 1:29
No comments:
Post a Comment