When I read the
book of John Gray entitled, "the
ignorance of the nature of man&woman, " I have found out
that ang pinaka-problema sa babae is ‘yung biglang nagsi-swing ang mood o pabago-bago ng mood at
diyan namomoroblema ang mga lalaki. Ang
problema naman sa lalaki, may time na gusto lang nilang nakatago sa cave, manahimik lang ng ilang araw, ayaw
paistorbo. Kaya akala ng babae, wala ng pakialam sa kanya. Ang babae ay kagaya
ng alon dahil paiba-iba ng mood. Ang lalaki ay parang lastiko o goma dahil may
time na lumalayo pero babalik din. Kapag lumayo ang loob ng lalaki, hindi ibig
sabihin na hindi na babalik at diyan bumibitaw ang babae. Kapag nag-swing naman
ang mood ng babae, naiinis ang lalaki at diyan naman siya bumibitaw. Dapat
malaman ng bawat isa ang nature ng partner. Ang pinaka- mahalaga sa babae ay
respect at sa lalaki ay trust. Huwag dapat magpakita ang babae na nagdududa siya
sa lalaki, foul na foul ‘yun. Kaya maraming lalaki ang ayaw sa masyadong selosa
- palaging nagdududa.
Above all, para sa akin… kung bakit nagkaka-problema talaga sa relasyon
ay dahil hindi si Jesus Christ ang top priority sa relationship, hindi si Jesus
ang sentro ng pag-iibigan, hindi si Jesus ang 1st & last love, hindi si Jesus
ang all in all in life.
By: Aldrin Cabrera
No comments:
Post a Comment