Para sa babaeng matapang, maunawain,
mapagpakumbaba at higit sa lahat – Mahal na mahal ng Lord <3 MICHELE
GONZALES..
Hindi ko malilimutan lahat ng
pinagsamahan natin simula ng una kitang makilala – noong elementary grades
palang tayo (1996) hanggang ngayong lagpas na tayo sa kalendaryo (2017),
HAHAHAHA!
Maraming salamat sa buhay mo dahil
hind ka sumuko sa pakikipag-friendship sa’kin (for sure sa loob ng 21 years ay
nakilala mo na ang totoong Yhang – silent serious type pero ang totoo weird/makapal
ang mukha) HAHAHA! Di’ko alam kung makakadama ba’ko ng regrets sa ginawa kong
pagtatapat ng damdamin sa mga crushe’s ko or gagawin ko nalang memories that
lasts, HAHAHAHAHAHA : D
Salamat kasi lumapit ka sa Lord at
hindi ka nawalan ng pananampalataya. Salamat kasi sa gitna ng bagyo at lindol
ng buhay na paulit-ulit ay naging matatag ka : )
Alam mo sinasabi ko sa’yo mula noon
until now – Masaya ako nakilala kita at palagi kitang nami-miss (Ayoko lang
sabihin sa’yo araw-araw kasi baka ‘di na kapanipaniwala at baka maisip mong
hindi na tama toh, obsession na toh at lesbian na ata ako) HAHAHAHA!
Unang makita kita until now – Nakuha
mo na ang loob ko bilang kaibigan at best friend na ngayon : ) Kaya until now –
Nananatili ka sa isip at heart ko, despite alam kong ‘di talaga perfect ang
friendship na’to. Ikaw ang madalas na umuunawa sa’kin (luka-luka kasi ako)HAHA!
Marami ng friendship ang dumating sa
buhay ko at marami na rin ang lumayo sa’kin (Kasi nilayuan ko rin talaga sila,
the reason why di ako nagfe-facebook ng matino, ayaw ko na magkaroon ng
connection sa kanila..)
Pero nag-decide ako na manatili sa’yo
at kakapit sa’yo, ikaw man ay mangibang-bansa, mag-asawa o kahit pumuti na ang
buhok mo. Pag gusto mo na rin akong layuan, delete mo na lang number ko sa cp
mo para pag nag-text ako sa’yo at nag-HU U? ka, that is the signal : )
Kaya ngayong BIRTHDAY mo, i-enjoy mo
lahat ng pangako sa’yo ng LORD. Wala pa tayo sa kalahati ng mga pangako Niya :
) Sandamakmak promises fulfilled to come!!!
HAPPY BIRTHDAY! Otanjoubi! Omedetou!
Onigiri!
Heart Lotzz,
cabreraflorina.blogspot.com
No comments:
Post a Comment