Friday, September 1, 2017

I’M SILENTLY MISSING YOU

Minsan, kapag nararamdaman nating nag-iisa tayo, nalulungkot o nai-stress, iyon yung time na hinahanap natin o dini-desire yung emotional presence ng mga kaibigan natin. Little did we know, andami rin pala nilang ino-overcome sa buhay.

Hindi nila sinasadyang kalimutan tayo pero dahil sa dami ng iniisip nila, di na nila magawang kamustahin tayo.

Naiisip din nila na baka makadagdag din sila sa dami rin ng trials na pinagdadaanan ng friend nila.

Habang nadadagdagan ang edad natin, napapansin nating ang dating mga tao na very close sa atin ay parang lumalayo na.

Hindi dahil na-discover nilang masama tayong kaibigan, kundi dahil may kulang pa sa buhay nila na nais nilang makita, may sugat ang puso nila na nais hilumin at may  mali sa buhay nila na nais nilang maayos.

At kapag okay na ang lahat, babalik sila sa mga taong matagal na nilang hindi nabigyan ng pansin.

Pag na-miss mo na ako, at pag na-miss na rin kita ng sobra..
COFFEE BREAK naman tayo <3

Miss you,

cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment