Puwedeng maubusan ka ng pera pero
hindi ka mauubusan ng magagawa. Puwedeng mapaluhod nalang ang mga tuhod mo sa
pagod pero kailangang tumayo pa rin ng mga paa mo sa kung ano ang totoo.
Puwedeng magbago ang sitwasyon mo pero hindi magbabago ang misyon mo. Puwedeng
mawalan ka ng gana o kaya puwede kang tumakbo papalayo pero hindi ka
makakatakas sa panawagan mo. Puwedeng kung anu-ano ang sabihin sayo ng mga tao
para huminto ka pero hindi magbabago ang Diyos na pumili at tumawag sayo.
There will always be hardships but
unlike before na naiisip mo na mag-isa kang lumalaban, ngayon alam mo may Diyos
na hindi mo lang back-up pero isa ding matinding power-up!
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment