Sunday, October 7, 2018

KITA KITA


Akala mo hindi Ko nakikita sugat mo? Kita Ko.
Akala mo hindi Ko naririnig iyak mo? Rinig Ko.
Akala mo hindi Ko nararamdaman sakit mo? Ramdam Ko.
Akala mo hindi Ko alam lahat sayo? Alam Ko.

Alam Ko lahat ng pinagdadaanan mo.
Bilang Ko lahat ng patak ng luha mo.
Ramdam Ko lahat ng sakit mo.
Kita Ko lahat ng nagawa mo.

Alam Kong pinaghirapan mo iyan.
Pinagpuyatan, pinag-isipan.

Alam Kong nalulungkot ka.
Kasi parang walang nakakakita.

Alam Kong pasuko ka na.
Dahil sa walang katapusang problema.

Yung tipong iiyak ka na lang.
Kasi lito ka na sa kawalan.

Lumapit ka, yayakapin Kita.
Humingi ka ng saklolo, ililigtas Kita.

Pero hindi Ko yun magagawa kung hindi mo Ako nakikita.
Kung hindi mo Ako naririnig.
Kung hindi mo Ako nararamdaman.
Kung hindi mo Ako lalapitan.

Subukan mong Ako naman
Dahil Ako, Ikaw lang naman
Makita mo sana Ako
Kasi Ako, kita Kita..

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment