Kapag usapang pag-ibig, ano ang un
among naiisip?
(Your side)..
Love.
Usapang makaka-relate ang lahat.
Usapang patok na patok ngayon lalo na
sa mga kabataan.
Usapang sikat ngayon..
Sa true life, sa media life at kung
saan-saan pa.
Usapang pinaghuhugutan ng lahat.
Usapang nakakapagpakilig,
nakakapagpalungkot at madalas nakakapag-paiyak sa lahat.
Ano nga ba ang pag-ibig?
Love, pag-ibig, forever, destiny..
Isang salita ngunit napakalakas na
impact sa mga tao. Sa panahon ngayon, gasgas na. Madalas ginagawang biruan
mapa-text o chat.
Paano ba masasabing mahal mo na siya?
O isang admiration, infatuation o baka isang lust lang? Ano ba ng tunay na
kahulugan ng pag-ibig?
Sa pagbilis ba yan ng tibok ng puso?
Sa pamamawis ng kamay? Sa pagiging utal kapag kaharap mo na siya? Kapag
nami-miss mo siya? Sa walang humpay na text o chat? Kapag napapatawa at
napapasaya ka niya? Kapag nasasaktan ka kapag may kasama siyang iba? Nagustuhan
mo siya ng walang dahilan? O baka kapag kailangan mo na siyang kalimutan?
Kailangan mo nang ipaubaya? O baka naman kailangan mo ng bitiwan?
Bakit minsan, kahit mahal na mahal
niyo na ang isa’t isa ay napupunta pa rin sa hiwalayan? Bakit minsan yung gusto
mo ayaw naman sa iyo? O madalas gusto niyo ang isa’t isa pero hindi naman
puwede? Tapos sa huli, iiyak ka. Tapos ang tagal mo bago maka-move on? Tapos
kapag may nahanap ka ng mas better, mamahalin mo na ulit? Tapos magiging cycle
na. Paulit-ulit na lang. Hanggang sa puntong ayaw mo ng maniwala sa love. Lagi
mong naiisip na walang gustong magmahal sa iyo, hanggang sa maubos ang oras mo
kakaisip na bakit? Hindi ba ako worthy mahalin?
Sa tingin ko lahat naman tayo gustong
maranasang magmahal at mahalin.
Ako rin. Isa ako sa libo-libo at
milyon-milyong taong naghahangad niyan. Gustong maranasan ang pagmamahal ng
isang tao. Taong hindi ka iiwanan sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya.
Taong magmamahal sa iyo ng tunay at panghabang-buhay. Taong ipaglalaban ka. Iyong
handang maging superman o batman man. Taong magmamahal sa iyo kahit sino at ano
ka.
Isa ako sa mga taong naglalakad sa
daan na nag-iisip kung kailan niya makakasalubong at makakabunggo ang taong
nakalaan para sa kanya. Isa sa mga taong nakalaan para sa kanya. Isa sa mga
taong nakasakay sa jeep at naka-earphone na iniisip na sana may mag-alay ng
ganoong kanta sa kanya. Isa sa mga taong gusto siya pero mas gusto niya ang
katabi ko dahil maputi at maganda. Iyong taong walang ka-holding hands at
taga-dala ng bag. Iyong nauunang lumabas kapag uwian dahil walang kasabay at
walang sumusundo. Taong always free kapag Valentines Day. Ako iyong second
choice ng mga manliligaw ng kaibigan. Walang pila-pilang manliligaw. Iyong last
choice kapag wala na talaga. At iyong puwede na, kaysa naman wala.
Gusto ko din naman na mayroong
magmamahal sa akin. Gusto ko ng prince charming. Gusto ko ng knight in shining
armor. Si superman. Gusto ko ng katulad nla. Deserve ko naman hindi ba?
Kailangan ko ng paglalaanan ng
pagmamahal na ito. Punung-puno na ako. Sasabog na. Kailangan ko ng pagbubuhusan.
Asan na ba siya?
(GOD’S SIDE)
Sino ang unang naiisip mo kapag
sinabing “Pag-Ibig?”
Ikaw anak.
Naiisip mo ba kung gaano kita
kamahal?
Love..
Usapang makaka-relate ang lahat.
Usapang patok na patok ngayon lalo na
sa mga kabataan.
Usapang sikat ngayon. Sa true life.
Sa media life. At kung saan-saan pa.
Usapang pinaghuhugutan ng lahat.
Usapang nakakapagpakilig,
nakakapagpalungkot at madalas nakakapagpaiyak sa lahat..
Pero kapag sinabing love, ang una mong
naiisip ay ang taong mahal mo. Pamilya mo. Boyfriend o girlfriend mo. Asawa mo.
Anak mo o mga kaibigan mo.
Naghahanap ka ba ng totoong kahulugan
ng pag-ibig? Ako ang sagot sa mga tanong mo..
Naghahanap ka ng magmamahal sa iyo?
Bakit hindi mo iniisip na andito naman Ako. Gusto mo ng may yayakap sa iyo?
Simula ng ipanganak ka, balot ka na ng mga bisig ko. Lagi kitang niyayakap.
Hindi mo na kailangang humiling ng
magmamahal sa iyo dahil umpisa pa lang may nagmamahal na sa iyo. Simula ng
ipanganak ka at sa paglaki mo, minahal na Kita.
Kailangan mo ng taong laging nasa
tabi mo? Ipinagbubuntis ka pa lang ng Mama mo ay binabantayan na Kita. Ginawa
Ko ang buhok mo. Hinulma Ko ang bawat hugis at anggulo ng katawan mo mula ulo
hanggang talampakan. Sinigurado Kong wala kang katulad sa mundo. Planado ko ang
buhay mo.
Nandoon Ako ng simula kang maglakad,
magsimula kang magsalita at tumawa. Nasa tabi mo Ako nang madapa ka at
masugatan. Nang apihin ka, noong mag-isa kang kumakain sa school ay nandoon
Ako. Alam Ko ang nararamdaman mo. Naiintindihan Kita.
Ang ang nag-utos na i-expand pa ang
baga mo, takpan ang butas ng puso mo, hilumin ang sugat mo, pagalingin ang
sakit mo. Ginamit Ko lang siya para mapasaya ka. Ako iyong gumawa ng dahilan
para hindi ka pagalitan. Ako iyong nag-provide noong walang-wala ka na.
Pinakain kita, pinainom kita noong nagugutom at nauuhaw ka. Ako rin iyong
pinupuntahan at tinatawag mo kapag may kailangan ka at hindi mo na kaya.
Naranasan mong mamuhay mag-isa. Iniwan ka ng lahat. Ikaw iyong lahat dinadamay
mo kapag wala ka sa mood at mainit ang ulo mo. Sinisisi mo Ako kapag may
dumaang malaking problema. Ikaw iyong naiinis kapag kino-correct. Nagtatanim ng
galit. Ikaw iyong aayaw agad kapag may challenges. At iyong taong hindi
marunong makuntento.
Hindi mo napapansin, andito lang ako.
Ako ang tunay na nagmamahal sa iyo.
Ikaw ang isa biyun-bilyong tao na
naghahanap ng pag-ibig sa maling paraan. Hindi mo na kailangang mag-isip pa ng
magmamahal sa iyo dahil nandito lang Ako. Kasama Mo akong sumasakay sa jeep
habang naka-earphones ka at iyong mga kantang pinapakinggan mo, kagaya din ng
pagmamahal Ko sa iyo.
Hindi ka aware na maraming humahanga
sa kagandahan at kaguwapuhan mo at sa pagiging simple mo. Marami din ang
nagtangkang manligaw at magparamdam sa iyo pero hinarangan Ko silang lahat dahil
gusto Ko, Ako muna ang mahalin mo. Dahil ayaw kong masaktan ka ulit. Ayokong
maunawaan mo na trial and error ang pag-ibig.
May tao na Akong inilaan sa iyo. Sa
ngayon, sa Akin ka muna. Kapag naranasan mo na ang Aking pagmamahal,
matututunan mo na ding magmahal ng totoo.
Ako ang perpektong kahulugan ng
pag-ibig.
Pinili Kita. Napakahalaga mo sa
Akin..
Kailanman ay hindi Kita naging second
choice, at hindi ka puwede sa no choice o kaysa wala.
You are worthy to be love.
I love you my son.
I love you my daughter..
Love,
Your Lord and Savior Jesus Christ
Sa panulat ni: Kesiah M. Cabrera
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment