Noong nakaraang araw, nagpunta ako sa
isang mall at napansin kong abalang-abala ang mga sales attendant na
nag-iimbentaryo ng kanilang mga paninda. Inililigpit na ang hindi nabentang mga
produkto noong nagdaang Pasko at naglalabas na rin ng panibagong bilihin. Kung
sa negosyo ay mahalaga ang regular monitoring ng ating imbentaryo, mas lalong
kailangan din ito sa ating personal na buhay para matiyak na tayo ay on the
right track at patuloy din ang ating paglago. Take stock of oneself
periodically.
Huwag mong hintayin na magsagawa ng
performance evaluation ang kumpanya ninyo bago mo i-assess ang iyong buhay at
trabaho. We must have the initiative to do this for ourselves. Ang sabi nga sa
Lamentations 3:40, “Let us examine our ways and test them, and let us return to
the Lord.”
Paano nga ba natin dapat suriin ang ating mga sarili?
1.Take stock of your excesses. Nitong nagdaang Pasko, tiyak na marami kang natanggap na
regalo. Ilang bags, mugs, planner, shower gel, wallets, fruit cake at kung
anu-ano pa ang naipon mo? Do you really need all of them o baka naman puwede mo
itong ibahagi sa iba? Huwag mo ng hintayin ang susunod na Pasko para irecycle
ang mga ito. Di ba ang sabi, “At magmula ngayon kahit hindi Pasko ay
magbigayan.” Ipagpasalamat at ibahagi ang nag-uumapaw na biyaya na mayroon ka.
2.Assess growth areas in your life. Tiyak din namang mayroon tayong mga kakulangan at
areas sa buhay o trabaho natin na kailangan nating matuto at lumago. Ang mga
bagay na puwede mong pag-aralan, bigyan mo ng panahon at atensiyon para
matutunan.
3.Pause and reflect on your relationship with God. Ang pinakamahalagang pagsusuri na
kailangan nating gawin ay ang suriin ang ugnayan natin sa Diyos. Sino ang Diyos
sa buhay mo? Is He truly your Lord? O sa tuwing may kailangan lamang tayo saka
tayo nakaaalalang lumapit sa Kanya. Ang sabi ng misyonero na si Hudson Taylor,
“Christ is either Lord of all, or He is not Lord at all.” Our devotion and
obedience to God should not be seen on Sundays only. Mas lalong dapat itong
nakikita Lunes hanggang Sabado sa ating ugnayan sa ating pamilya, mga kliyente
at ka-opisina.
Di lamang imbentaryo ng mga produkto
ang dapat na binabantayan natin. Suriin din natin ang ating mga sarili.
-Maloi Malibrain Salumbides
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment