Sunday, October 7, 2018

KAYA NATIN DAHIL KASAMA NATIN ANG DIYOS


Ang kakayahan ng mga nagtitiwala sa Panginoong Jesus para mapagtagumpayanan ang mga pagsubok ay hindi nakasalalay sa lakas nila kundi sa Diyos na nananahan sa kanilang mga puso. Hindi sila ligtas sa mga suntok o problema sa buhay na tila banta sa kanilang katatagan. Pero kung buo ang pagtitiwala nila sa Diyos na nagbibigay sa kanila ng katatagan, masasabi din nila ang sinabi ni Apostol na si Pablo, “Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa’y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa.” (2 Corinto 4:8-9)

Tularan natin ang mga humaharap sa mga problema na lubos na nagtitiwala sa Panginoon. Naniniwala silang sapat ang kagandahang-loob ng Diyos sa kanila at alam nila na lalong nahahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa ating mga kahinaan (2 Corinto 12:9). Ang pagtitiwalang iyon ang nagpapanatili ng ating katatagan.

Ang katatagan na ibinibigay ng Diyos sa atin ay higit pa sa mga problemang pinagdaraanan natin. (2 COrinto 4:7-12)

No comments:

Post a Comment