Sa bawat paglipas ng malamig na simoy
ng hangin sa aking katawan
Sa bawat daloy ng dalisay na tubig sa
aking mga paa
Sa bawat bagsak ng tubig sa
kahangahangang mga talon
Na tila musika sa aking mga tainga
Sa bawat pagkapit ko sa mga bato’t
lupa sa sagradong bundok ng Laguna
Nalulugod ang aking puso sa tuwa,
pagkamangha, pasasalamat
At papuri sa Diyos na Siyang naglikha
Ng tunay na yaman sa mundo – ang
kalikasan..
-Meg S.
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment