Tuesday, November 1, 2016

HINDI AKALAIN

Tinawag Niya kayo sa kadiliman tungo sa kahanga-hangang liwanag upang ipahayag ang mga pagpupuri sa Kanya.
-1 Pedro 2:9

Noong 2009, sumali si Susan Boyle sa Britain’s Got Talent, isang paligsahan ng talent sa Britanya. Hindi kagandahan si Susan kung ikukumpara sa ibang mga kalahok. Sa simula, walang may interes na manood sa kanya. Ngunit nang magsimula na siyang umawit, namangha ang lahat. Napatayo pa sa paghanga ang tuwang-tuwang mga manonood. Napakaganda pala ng boses ni Susan. Hindi nila sukat akalain na isang napakagandang tinig ang magmumula sa ordinaryong babae.

Tulad ng nangyari kay Susan, hindi inakala ng marami na makikita nila sa mga Cristiano ang kabutihan at kahanga-hangang katangian ni Jesus. Itinakda ito ng Dios. Pinili Niya ang ordinaryong tao na katulad natin upang ipahayag sa lahat ang pag-ibig at kabutihan ni Cristo sa pamamagitan ng ating buhay.

Ipinaalala ni Pedro na tayo ay “bayang pag-aari ng Dios upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa Niya. Siya ang tumawag (sa atin) mula sa kadiliman patungo sa Kanyang kahanga-hangang kaliwanagan” (1 Pedro 2:9.)

Maaaring iniisip mo na isa kang ordinaryong tao na hindi gagamitin ng Dios. Pero kung hahayaan mong kumilos si Jesus sa iyong buhay, makikita sa iyo ang mga kahanga-hangang katangian ni Cristo.

Isinulat ni: Joe Stowell

“Kabutihan ni Jesus nawa’y makita sa akin,
Ang Kanyang kalinisan at kahanga-hangang naisin;
Banal na Espiritu patuloy akong baguhin,
Hanggang si Jesus ay makita sa akin.”

MAAARING MAKITA ANG MGA KAHANGA-HANGANG KATANGIAN NI CRISTO MAGING SA MGA ORDINARYONG TAO.


No comments:

Post a Comment