Nakita nilang naigulong na
ang bato mula sa libingan… nang sila’y pumasok ay hindi nila nakita ang
bangkay.
-Lucas 24:2-3
Ayon sa isang pag-aaral na
ginawa sa Amerika, mas naaalala ng mga tao ang masasamang pangyayari kaysa sa
mabubuti. Ipinapakita sa pag-aaral na ito na kahit sinasabi ng marami na ayaw
nilang makarinig ng mga pangit na balita, napagtutuunan pa rin nila ng pansin
ang mga balita tungkol sa sakuna, trahedya, mga sakit, at iba pa.
May isang babae noon na
mas interesado sa ‘Magandang Balita.’ Catherine Hankey ang kanyang pangalan.
Noong 1866, nagkaroon siya ng malubhang sakit. Habang nakaratay, iniisip niya
ang mga taong nabahaginan niya ng magandang balita ng kaligtasan. Ninanais rin
niyang may mag-ulit sa kanya ng ‘lumang kasaysayan’ ni Cristo na isang
magandang balita. Sa mga panahong ito, isinulat niya ang isang tula na naging
awit, “Tell me the Old, Old Story’ (Ang Lumang Kasaysayan.)
“Isalaysay
mo nang marahan nang lubos kong mapagnilayan,
Na
sa ating kasalanan, Siya ang ating katubusan;
Isalaysay
nang paulit-ulit nang sa isipa’y ‘di mawaglit,
‘Di
matulad sa hamog na naglalaho sa isang saglit.”
Hindi natin
pinagsasawaang pakinggan ang ‘Lumang Kasaysayan’ na dahil sa pag-ibig ng Dios
sa atin, isinugo Niya si Jesus. Dinala Niya ang ating mga kasalanan, ipinako sa
Krus at muling nabuhay. Kung sasampalataya tayo sa Panginoong Jesus, ituturing
tayo ng Dios na mga anak Niya (Juan 1:12.) Ibalita mo sa iba ang tungkol kay
Cristo at ang Kanyang pag-ibig. Kailangan nila ang Magandang Balita.
Isinulat ni: A. Cetas
ANG MAGANDANG BALITA NI
CRISTO ANG PINAKAMAGANDANG BALITA SA MUNDO.
No comments:
Post a Comment