Idalangin
ninyo ang mga hari at lahat ng nasa mataas na katungkulan.
-1 Timoteo
2:2
Noong 2009,
namatay ang 95 taong gulang na si Emma Gray. Mahigit dalawang dekada siyang
naging taga-paglinis ng isang napakalaking bahay. Gabi-gabi habang nagtatrabaho,
ipinapanalangin niya ang kanyang amo na bigyan nawa ito ng Dios ng biyaya,
talino at kalinga.
Tuwing
ika-apat na taon, napapalitan ang amo ni Emma. Kaya sa 24 na taong paglilingkod
niya sa bahay na iyon, anim na amo ang kanyang naipanalangin gabi-gabi: sina
Eisenhower, Kennedy, Johnson, Nixon, Ford at Carter – ang mga pangulo ng
America.
Sinunod ni
Emma ang iniuutos sa 1 Timoteo 2 na idalangin ang “lahat ng nasa mataas na
katungkulan.” Sinabi pa doon na ang mamuhay nang matahimik, mapayapa, maka-Dios
at magalang ay “mabuti at kaaya-aya sa paningin ng Dios… na nagnanais na ang
lahat ng tao ay maligtas.”
Dinirinig ng
Dios ang panalangin ng taong matuwid (Mga Kawikaan 15:29.) Kaya natitiyak natin
na epektibo ang mga panalangin ni Emma. Mababasa naman natin sa Mga Kawikaan
21:1 na hawak ng Dios ang isip ng isang hari, “Ibinabaling Niya ito saanman
Niya ibig.”
Katulad ni
Emma, dapat din nating idalangin ang ating mga pinuno sa pamahalaan. Sino kaya
ang nais ng Dios na ipanalangin mo ngayon?
Isinulat ni: Cindy Hess Kasper
“Ang lahat ay saklaw ng Kanyang kabutihan,
Maging mga pinuno ng ating bayan,
Kapag sila’y ating ipinapanalangin,
Matutupad ng Dios ang Kanyang naisin.”
KUNG NAIS
NATING MAGBAGO ANG MGA PINUNO NG BAYAN, IDALANGIN NATIN SILA SA DIOS.
No comments:
Post a Comment