Tuesday, November 1, 2016

TAKBO

Kaya’t pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala.
-1 Corinto 9:24

Sa pelikulang Chariots of Fire, isa sa pangunahing tauhan si Harold Abrahams. Isa siyang mahusay na mananakbo. Gusto niyang laging nananalo. Nang maglaban sila ni Eric Liddell para makapasok sa Olympics, natalo siya nito. Masyado niyang dinibdib ang kanyang pagkatalo. Nais sana siyang pasiglahin ng kanyang nobya, ngunit galit nitong sinabi, “Tumatakbo ako para manalo. Kung matatalo lang ako bakit pa ako tatakbo?” Maganda ang sagot ng kanyang nobya, “Hindi ka mananalo kung hindi ka tatakbo.”

Ang buhay ay hindi puro kasiyahan lamang. May mga kabiguan din tayong mararanasan na puwedeng maging dahilan para hindi tayo magpatuloy. Pero sa buhay ng mga Cristiano, hinihimok tayo ni Pablo na magpatuloy. Sinabi niya na sa paligsahan, tumatakbo ang lahat ngunit iisa lang ang nagwawagi. Kaya pagbutihin natin ang pagtakbo para manalo (1 Corinto 9:24.) Magtiyaga tayong tumakbo para makamit natin ang gantimpala, yamang alam nating ito ay para sa ikararangal ng Dios.

Kung pahintu-hinto tayo sa pagtakbo, hindi natin makakamit ang gantimpala. Ibig sabihin, kung hihinto tayo sa paglilingkod sa Dios o magpapatuloy sa pagkakasala, malamang wala tayong tatanggaping gantimpala mula sa Dios.

Hindi tayo mananalo kung hindi tayo tatakbo.

Isinulat ni: B. Crowder

“Para sa Dios ay matiyagang tumatakbo
Sa mahabang lakbayin sa mundong ito,
Tuwing madarapa, sa Dios lamang titingin
Siya’y nagpapaalala ng dapat mithiin.”


MAS MAINAM KAYSA SA ANUMANG MEDALYA ANG MARINIG SA DIOS NA, “MAGALING KA!”

No comments:

Post a Comment