Bilang mabubuting
katiwala… ng Dios, gamitin ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa
ikakapakinabang ng lahat.
1 Pedro 4:10
Nitong nakaraang linggo,
nagkaroon ako ng mga pagkakataon na magpakita ng kabutihan sa iba. Sa isang sitwasyon,
sa halip na magalit, ito lang ang aking itinugon, “Okay lang iyon. Lahat naman
tayo ay nagkakamali.”
Napakabait ko! Para sa
akin napakabuti ng aking ginawa, kahit hindi ito perpekto. Naisip ko na dahil
mabait ako, dapat ganito rin ang gawing pagtrato sa akin ng iba.
Noong Linggo, inawit
naming ang “Amazing Grace” (kamanghamanghang biyaya.) Dahil sa mensahe ng unang
dalawang linya ng awit, naisip ko na hindi tama ang aking saloobin tungkol sa
pagiging mabuti.
Maling-mali ako! Ang
totoo, kaya ako nakagawa ng kabutihan ay hindi dahil sa mabuti ako kundi dahil
sa kabutihang ipinadama ng Dios sa akin. Nakakapagpakita tayo ng kabutihan sa
iba dahil ibinigay ito ng Dios sa atin. Kaya mabuting ipadama natin ito sa iba.
Sinabi ni Pedro na apostol
ni Jesus, “Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Dios, gamitin
ninyo ang kakayahang tinanggap ninyo sa ikakapakinabang ng lahat” (1 Pedro
4:10.) Bilang mabuting katiwala ng Dios, palagi tayong maghanap ng pagkakataong
maibahagi sa iba ang anumang ipinagkaloob ng Dios sa atin.
Isinulat ni: Julie A. Link
“Ang
pag-ibig ng Dios ay wagas,
Sa
Krus Niya ito ipinamalas,
Kabutihan
Niya’y isasaysay,
Nang
ibuwis Niya ang Kanyang buhay.”
KUNG
NARANASAN MO ANG KABUTIHAN NG DIOS, IPAPADAMA MO RIN ITO SA IBA.
No comments:
Post a Comment