PATUNGKOL SA BUHAY
Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga kaysa mamahaling pabango;
at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti kaysa araw ng kapanganakan.
Mas mabuting pumunta sa bahay ng namatayan
kaysa bahay na may handaan,
pagkat dapat alalahanin ng buháy na siya man ay nakatakda ring mamatay.
Ang kalungkutan ay mas mabuti kaysa katuwaan,
pagkat maaaring malungkot ang mukha ngunit masaya ang kalooban.
Mangmang ang isang taong nag-iisip ng kasayahan,
ngunit matalino ang isang taong naghahanda para sa kanyang kamatayan.
Pag-isipan mong mabuti ang ginawa ng Diyos. Sino ang makapagtutuwid sa binaluktot niya? Magalak ka kung mainam ang takbo ng lahat ng bagay. Sa panahon ng kahirapan ay isipin mong parehong ipinadadala ng Diyos ang kaligayahan at kahirapan. Sino ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas?
Mangangaral 6
Mangangaral 8
Magandang Balita Biblia
No comments:
Post a Comment