Madalas nating marinig na payo ng ang "UMINOM NG 8 GLASSES OF WATER EVERY DAY". Pero saan ba nanggaling ang payo na ito?
✅ Noong 1945, naglabas ng rekomendasyon ang US FOOD AND NUTRITION BOARD na kailangang uminom ng 2.5 LITERS NG TUBIG (o 8 GLASSES) KADA ARAW ang mga tao.
✅ Ngunit ang rekomendasyon na iyon ay pawang isang MYTH o HAKA-HAKA lamang, wala itong basehan sa mga pag-aaral at wala rin naman ebidensya na ang paginom ng 8 glasses of water araw-araw ay mas mabuti kaysa sa paginom ng mas kaunting tubig.
✅ Ang bawat tao ay iba-iba ang pangangailangan sa tubig. Halimbawa, mas maraming tubig ang kailangan ng isang 80 kg na tumatakbo sa marathon sa ilalim ng initan ng araw kumpara sa isang 50 kg na tao na nakaupo lamang sa opisina at naka aircon.
✅ Mas maraming tubig din ang kailangan ng mga pasyenteng may PAGTATAE o DIARRHEA at mga NILALAGNAT kesa sa mga malusog na tao. Kailangan rin ng maraming tubig para sa may mga KIDNEY STONES.
✅ May mga pasyente rin na hindi puwedeng uminom ng maraming tubig dahil maaari silang malunod, gaya ng may mga HEART FAILURE at CHRONIC KIDNEY DISEASE na hindi na nakakaihi.
✅ Magaling ang ating MGA KIDNEYS sa PAGBABALANSE NG TUBIG sa katawan. Kung sobra ang tubig, itatapon nito ang sobra sa pamamagitan ng PAG-IHI NG MARAMI. Kung kulang naman sa tubig, magtitipid ito at magiging KAUNTI ANG IHI.
✅ Para sa karamihan ng mga HEALTHY ADULTS, ang pinakamagandang paraan upang manatiling HYDRATED ay uminom lamang ng tubig KUNG NAUUHAW.
✅ Tandaan na hindi lamang sa iniinom nakukuha ang tubig. Marami ring lamang tubig ang mga PRUTAS AT GULAY, at pati na rin ang mga ISDA AT KARNE na ating kinakain.
✅ Hindi rin maganda ang SOBRANG PAG-INOM NG TUBIG dahil maaari itong magdulot ng HYPONATREMIA o PAGBABA NG ASIN SA DUGO na maaaring magdulot naman ng SEIZURES at PAGKAMATAY.
✅ Huwag MAPRESSURE na uminom ng napakaraming tubig. Hindi hahaba ang buhay mo kung mas marami kang tubig na inumin.
✅ Uminom lang ng tubig ayon sa pangangailangan. Uminom kapag nauuhaw. Sapat na ito para manatiling HYDRATED at HEALTHY ang ating katawan.
No comments:
Post a Comment