Ang pag-aasawa ay ang araw-araw na pagpili sa iyong asawa, sa bawat oras, at sa lahat ng pagkakataon. Kahit sa mga pagkakataong hindi mo siya gusto, at sa mga pagkakataong inis na inis ka na sa kanya, siya at siya pa rin ang pipiliin mo at uunahin sa lahat.
Kaya hindi para sa lahat ang pag-aasawa. Kung hindi ka handa na panindigan ang iyong piniling makasama habang buhay, o kung wala kang nakikitang tao na karapat-dapat sa katapatang kaya mong ibigay, mas makakabuti pang manatiling walang asawa.
No comments:
Post a Comment