yung tipong gusto mong mawala saglit kasi ang hirap magpanggap. Drop everything talaga. Gusto kong i-celebrate yung lungkot, ang weird no? How can you celebrate sadness and why should you have to? But, I do.
Gusto ko, maalala ko 'to balang araw. Gusto ko, tumatak siya sa akin, yung mga panahong ang baba ng tingin ko sa sarili ko, yung mga araw na talo ako. Ayaw ko silang kalimutan.
Gusto ko i-acknowledge yung feeling na malungkot ako. At okay lang 'to. Okay lang tayo kahit na di okay ang sitwasyon natin. Dahil dito, mas natatanggap ko yung sitwasyon. Na okay lang pala malungkot. Ganon.
Para saan pa, at makakaraos rin tayo sa mga laban na minsan, tayo nalang ang nakakaalam. Yakap. ✨🌻
No comments:
Post a Comment