10 Things na natutunan ko sa discussion ni Maricar at Richard tungkol sa marriage at pag bukod.
1. Priority Shifts– Pag kinasal ka, ang priority mo na ay ang asawa at magiging anak mo, hindi na ang extended family mo.
2. Boundaries Matter– dapat malinaw ang hangganan—hindi na sila ang may final say sa buhay ninyong mag-asawa.
3. Hindi Porket Christmas, Lahat ng Kamag-anak Bibigyan– Priority mo na ang asawa at anak mo, hindi ang buong barangay niyo
4. Opinions vs. Decisions– Pwede kang makinig sa opinyon ng pamilya mo, pero ang final decision ay dapat manggaling sa inyo ng asawa mo.
5. Walang “Dapat Ganito”– Hindi dahil ganito ang kinasanayan sa pamilya mo, ganun na rin dapat sa bago mong pamilya. Kayo ng asawa mo ang magde-desisyon kung paano niyo gustong patakbuhin ang buhay ninyo.
6. It’s About Teamwork– Hindi "kanino ka kakampi" kundi "paano kayo magtutulungan." Mag-asawa kayo, hindi teammates ng magkabilang pamilya.
7. Obligasyon vs. Tulong– Tumutulong ka sa pamilya mo, pero hindi mo responsibilidad ang buhay nila. May sarili ka nang pamilyang dapat unahin.
8. Respect Works Both Ways– Dapat marunong kang rumespeto sa extended family mo, pero ganun din sila sa bago mong pamilya.
9. Asawa Mo ang Ka-Team Mo, Hindi ang Magulang Mo– Kung every issue, takbo ka agad sa pamilya mo, eh di sana nag-stay ka na lang sa kanila.
10. Marriage is a Fresh Start – Hindi ito extension ng lumang buhay mo, kundi simula ng bago—at nasa inyo ng asawa mo kung paano niyo ito bubuuin.
✍🏻Malditang Ina.
📷Relationship Matters PH
No comments:
Post a Comment