“Gusto ko ng IPhone kasi iyon ang
gamit ng mga kaibigan ko.”
“Ayaw ko makipag-break kasi ang
tagal-tagal na naming mag-bf/gf.”
“Takot ako umalis ng trabaho kasi
baka mahirapan na ako makahanap ulit.”
“Sabi kasi ng magulang ko ito ang kunin
kong kurso.”
“Ay binili ko lang iyan kasi sale
sayang naman.”
Iyan ang karaniwang sagot natin kapag
tinatanong tayo bakit ng iba. Pero kung titingnan hindi naman talaga nasasagot
kung ano iyong gusto natin talaga.
Kadalasan iyon ang dahilan bakit ka
nababaon sa utang, hindi masaya sa love life, walang gana sa trabaho, at wala
ng pangarap sa buhay kasi nakakalimutan natin tanungin ang sarili natin..
ANO BA ANG HANAP KO?
Kaya ayun, nasasanay ka na lang
ibigay iyong default na sagot kung bakit ka nag-iistay sa toxic na relasyon,
bakit mo binili iyong mahal na cellphone, o bakit mo ginagawa ang mga
bagay-bagay.
Pero subukan mo minsan tanungin ang
sarili mo, “Ano ba hanap ko?” tiyak magkakaroon ka ng direksiyon sa buhay at
hindi na lang default answer na lang parati ang sagot mo.
Subukan mo..
“Ano ba paggagagamitan ko ng
cellphone?”
“Anong klaseng relasyon ba ang hanap
ko?”
“Anong gawain ba ang hanap ko sa
isang trabaho?”
“Ano ba ang gusto kong gawin
pagtanda?”
“Ano ba hanap kong bilhin kung pupunta
ako sa sale?”
Try mo lang!!
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment