Alam ko na mabigat ang pinagdadaanan
mo ngayon. Alam ko na sobrang masakit ang nararamdaman mo ngayon. Hindi mo alam
kung kailan maghihilom ang malalim na sugat. Alam ko na halos isang buwan ka ng
walang maayos na tulog at kain, nagkakasakit ka na nga eh. Marami ka na ngang
nami-miss na bagay na dapat mong gawin. Nakalimutan mo na nga mahalin ang
sarili mo. Marami ka ng isinakripisyo, na pati sarili mo tinatapakan mo na.
Alam ko ikaw ay mayroong matigas na puso at pusong hindi umaatras. Pero sana
bumalik ka na sa pagiging malambot ang puso at marunong tumayo sa pagkakadapa
mo. Mahalin mo din ang sarili mo. Hindi lahat ng bagay ay kailangan mong
ipaglaban. Sana marunong ka ding sumuko para sa sarili mo. Ipagdadasal ko na
humilom na ang sugat na nakamit mo sa pagmamahal. Alam ko hindi iyan
basta-basta but in process. Alam ko na deserved kang mahalin, hindi iiwanan
lang ng walang paalam. Alam ko na nagmahal ka lang at wala kang ibang
intensiyon kundi ang magmahal ng buo. Ipagdadasal ko na maging matatag ka sa
ano mang pagsubok at hindi agad susuko. Please comeback the old version of you.
Kaya mo iyan. Laban lang!
Nagmamahal,
Sarili
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment