Saturday, December 1, 2018

TIPID TIP OF THE DAY


WALANG NAKAKAHIYA SA PAGBABAON NG ULAM..
MAS NAKAKAHIYA ANG SOSYAL NA BAON SA UTANG..

BENEFITS NG PAGBABAON NG LUNCH O SNACKS SA TRABAHO:
1.WALANG TAX.sa fastfood, kahit ang pinakamurang bilihin ay may tax pa rin, kakaunti pa ang serving..
2.NUTRITIONAL VALUE.masisiguro mo na masustansiya ang pagkain dahil ikaw ang namili at nagluto. Masisigurong hindi junk ang pinapasok sa katawan. Except kung processed food ang baon mo..
3.CLEANLINESS.alam mo paano ito inihanda kaya makakasigurong di ka malalason of food poison. Dahil kung sakali, mas malaking gastos ang ma-ospital..
4.GENEROUS SERVING.di mo kailangang tipirin ang dami ng ilalagay sa baunan. Di ka pa rin lugi diyan..
5.SAVINGS.ang perang natipid sa pagbabaon ng lunch, ipunin para maging savings and make it grow through financial tools na talagang makakatulong sa iyo..

Hindi baleng may bitbit na lunchbox sa opisina pero may ipon para sa kinabukasan, kaysa naman pa-social ka sa restaurant pero ang savings account ay walang laman..

-Nutriwealth Cooperative

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment