Saturday, December 1, 2018

LUHA


Naaalala ko nung una ikinuwento mo ang mga luha
Luhang nangingilid sa bawat mata
Ang kagustuhang makaraos sa bawat hirap sa paghinga eto na nga
Iyak at luha ng bata na gumuhit ng saya sa labi ng ina
Sagot sa bawat panalangin, pagpapala sa iba
Luha-luhang simbolo ng hirap at simbolo ng tiyaga

Nang ako’y lumaki na muli kong natunghayan ang mga luha sa iyong mata
Ang luhang di kayang bayaran ng pera ng makita mo akong nakatungtong sa plataporma
Hawak-hawak ang diploma kasabay ang pagsabit mo ng aking medalya
Iyong luha, luha na may pananabik at punung-puno ng emosyong di kayang ilabas ng mga salita

Nang ako’y tumuntong sa pagkadalaga, nakita ko sa iyong mata ang luha ng pag-asa
Ako’y nakahanap ng marangal na trabahong humila pataas sa ating pamilya
Tiningnan mo ako sa mata, at sa bawat pagkakataon na palagi mo sa akin iyong ginagawa
Nararamdaman ko ang aking presensiya
Ang luha mong nagbigay ng pag-asa sa bawat isa.

Nasa harap ako ng simbahan kung saan nakatungtong ang aking mga paa
Ito ang araw na ako ay susumpa sa lalaking sa akin ay itinadhana
Naglalakad ako sa pasilyo ng muli kong matanaw ang iyong mga luha
Luha ng kasiyahan, ang luhang tatatak sa aking puso’t isipan
Na magdadala sa walang humpay na kaligayahan ang luha ng kagalakan

Ngayon aking ina, ang huling luha na nasilayan ko mula sa iyong mata
Ang luha ng kalungkutan
Ito na ang oras kung saan kailangan ko ng lumayo at bumuo ng sariling pamilya
Pero tandaan mo na sa bawat pagkakataon na tayo’y magkasama
Baon-baon ko ang iyong mga luha, luhang dadalhin ko kasama ang aking magiging anak at asawa
Ang luhang sa akin ay sumama hanggang sa dulo ng pag-asa, ito ay ang iyong luha..

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment