Friday, January 4, 2019

ITO’Y KAILANGAN KONG SABIHIN SA IYO

Ako’y may alam na isang kahangahangang bagay na kinakailangan kong sabihin sa iyo. Ito ay napakahalaga at maaaring mapabago nito ang buong kinabukasan mo tulad nang nagawa nito sa akin. Sa katunayan, ang desisyong gagawin mo tungkol dito ay parehong makakaapekto sa buhay at kamatayan.

Hayaan mong bigyang-diin ko na ang mensaheng ito ay tunay na katotohanan dahil sa sinabi ito ng Diyos. Kapag nagbibitiw ng pangako ang Diyos, ito ay maaasahan mo sapagkat kailanman ay hindi ito maaaring hindi matupad. Hindi gagawin ng Diyos na paniwalain ka sa mensaheng ito. Iyan ay sarili mong kagustuhan. Ngunit ikaw ay papanagutin niya sa dahilang narinig mo ito.

Isang napaka-personal na mensahe ito. Isang bagay na dapat mong pagpasiyahan. Dapat mong sabihin na “Gagawin ko” o  kaya naman ay “Hindi ko gagawin.”

Narito ang mensahe. Ito ay eksaktong pangungusap mula sa salita ng Diyos, ang Banal na Biblia.

“Sapagkat gayon iniibig ng Diyos ang sanlibutan, na ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na isinilang na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi dapat mapahamak, kundi magkaroon ng walang-hanggang buhay.” Juan 3:16

Narinig mo na ba ang mga kahanga-hangang salita? Pag-isipan mo ng ilang sandal ang sinasabi ng mga ito. Tatlong kagilagilalas na katotohanan ang ipinapahayag ng mga ito..

Una, Gayon iniibig ng Diyos ang sanlibutan..
Dahil sa nasa sanlibutan ka, ikaw ay inibig Niya. Kung hindi ito nakakagulat sa iyo, alalahanin mo na nang ikaw ay inibig ng Diyos, isang makasalanan ang inibig Niya. Sinasabi ng Biblia na lahat tayo ay nagkasala (Roma 3:23). Sasang-ayon ka kung ikaw ay isang taong tapat.

Kahit na iniibig ka ng Diyos, kinapopootan pa rin Niya ang iyong kasalanan. Dahil sa ang Diyos ay banal, nararapat na parusahan Niya ang kasalanan. Nararapat na gumawa Siya ng banal na paraan ng pagliligtas sa mga makasalanan. Kung hindi, dapat pagbayaran ng makasalanan ang kanyang mga kasalanan, at ito ay nangangahulugan ng pagpapalipas ng buhay na walang-hanggan sa impiyerno. (Pahayag 20:15).

Ikalawa, Ipinagkaloob Niya ang Kaniyang bugtong na isinilan na Anak..
Gayon ka inibig ng Diyos kung kaya’t isinugo Niya sa lupa ang Kaniyang Anak upang maging tao at mamatay sa Krus ng Kalbaryo nang sa gayon ay maligtas ka.

Dapat na may magbayad sa parusa ng kasalanan, maaarin ikaw o isang kahalili na walang bahid ng kasalanan. Ipinagkaloob ng Diyos ang Kaniyang Anak na si JesuCristo na walang bahid ng kasalanan upang maging iyong kapalit. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo nang sa gayon ay maalis ang iyong mga kasalanan, nang sa gayon ay magkaroon ka ng walang hanggang buhay.

Ikatlo, Ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi dapat mapahamak kundi magkaroon ng walang-hanggang buhay..
Pag-isipan mo ito. Ipinagkakaloob ng Diyos ang walang-hanggang buhay sa mga sumasampalataya kay JesuCristo. Natapos na ng Tagapagligtas ang gawain. Siya ay namatay. Siya ay bumangon mula sa mga patay, at Siya ay bumalik sa langit. Ngayon ang bahagi mo naman ay ang sumampalataya sa Kaniya.

Nangangahulugan ito na dapat kang sumang-ayon na ikaw ay isang makasalanan. Unawain mo na binayaran nang buo ni Cristo ang parusa para sa iyong mga kasalanan, at tanggapin Siya bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas.

Ito ang mensaheng kailangan kong sabihin sa iyo. Ngayon, dapat kang gumawa ng desisyon. Siya ba ay tatanggapin mo o itatakwil? Sasampalataya ka ba sa Kanya o tatanggihan mo Siya? Muli mo itong pag-isipan.

“Sapagkat gayon iniibig ng Diyos ang sanlibutan, na ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na isinilang na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi dapat mapahamak, kundi magkaroon ng walang-hanggang buhay.” Juan 3:16

Maikli ang panahon mo sa lupa ngunit ang desisyon mo para kay Cristo ay magtatagal hanggang sa walang-hanggan. Tatanggapin mo ba si Cristo bilang Iyong Tagapagligtas at makakatiyak ka ng walang hanggang buhay?

-Precious Seed Ministries, Inc.

God Bless YOU..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment