Friday, January 4, 2019

RODEL AHAN

Salamat sa Lord nakilala kita ng hindi sinasadya.
Ito’y isang pangyayaring pinayagan ng Lord.
Dalangin ko sa Lord makilala natin ng lubos ang isa’t isa
Para ang kagalakan natin sa puso’y malubos.

Sana sa pamamagitan ng tulang ito ay mapangiti kita.
Sana sa pamamagitan ng tulang ito ay maramdaman mong hindi ka nag-iisa.
Sana sa tulang ito ay maramdaman mong mahalaga ka sa Lord.
Sana sa tulang ito ay maramdaman mong maraming nagmamahal sayo dito sa Pilipinas at isa ako doon.
Sana sa tulang ito ay malaman mong karapatdapat kang mahalin, ingatan at pahalagahan.

Milya-milya man ang layo nating dalawa
Ngunit hindi ito hadlang para pagtagpuin tayo ng Lord
Ang pag-ibig natin sa isa’t isa ay Kanyang pagtitibayin
Sa araw at oras na Kanyang itinakda.

Love,
Yhang..

HAPPY BIRTHDAY HONEY <3

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com

ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment