TULA PARA SA MAHAL KO
Mahal ko siya.
Siya ay masarap mahalin.
Masarap mahalin dahil lasang anak ng
Diyos.
Anak ng Diyos ang taong minamahal ko.
Minamahal ko siya kasi kakaiba siya
magpadama ng pag-ibig.
Pag-ibig na alam niyang iyon ang
tama.
Kaya tama ako ng minahal ko siya..
Sobrang saya ko ng una kaming
nagkausap.
Parang bukas ang langit sa mga oras
na iyon at pinapakinggan kami.
Pakiramdam ko nakikigalak din ang mga
anghel.
Kaya siguro sobrang saya ko ng una
kaming magkausap..
Sa sobrang gaan ng loob ko sa kanya
ay minahal ko agad siya.
Kahit tatlong araw pa lang kaming
magkakilala noon,
Agad akong pumayag na magmahalan
kami.
Sa paningin ng marami ay hindi iyon
tama,
Pero sa palagay ko ay pinadali ng
Diyos ang lahat para sa amin..
Sobrang init sa bansang kinalalagyan
niya ngayon,
Kaya naman sinasabayan ko ito ng init
ng pagmamahal ko.
Pero kahit sobrang init ng paligid
niya,
Natutuwa ako kasi nananatili siyang
nagpapalamig sa presensiya ng Diyos..
Ang tulang ito ay para sa kanya,
Para sa mahal ko,
Para kay Rodel Ahan.
Mahal na mahal kita Mahal ko..
Nagmamahal,
Yhang..
HAPPY BDAY
MAHAL <3
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment