“Pinapangarap
Kita At Naniniwala Akong
Tutuparin
Ito Ng Diyos”
Pinapangarap
kita.
Pinapangarap
talaga kita.
Pinapangarap
kitang makasama hanggang pagtanda.
Pinapangarap
kitang mas makilala sa bawat araw na tayo’y magkasama.
Pinapangarap
kong malaman ang mga sikretong nakatago sa likod ng iyong mukha.
Pinapangarap
kitang makausap araw-araw ng mukhaan at magkatabi.
Pinapangarap
kong makita ang liwanag ng iyong mukha.
Pinapangarap
kitang makasama sa pagtupad ng kalooban ng Diyos.
Pinapangarap kong
mahawakan ang iyong mga kamay at alamin ang iyong mga pinapangarap.
Pangarap kong
makasabay ka sa paglakad at maging kakuwentuhan sa kabila ng ingay ng mga bata.
Pinapangarap
kitang makasabay sa pagkain habang pinagsasaluhan ang nilutong ulam at kanin.
Pinapangarap
kitang makasama sa pasyalan habang ang magandang tanawin ay sabay nating
pinagmamasdan.
Pangarap kong
mahawakan ang iyong braso habang ang tabing-dagat ay marahan nating binabaybay.
Pangarap kong
makasabay ka sa pagkanta habang sa mukha ng isa’t isa nakatingin ang ating mga
mata.
Kung ako ang
papapiliin ng Diyos at bibigyan ng pagkakataon na magtakda ng sarili kong
tadhana,
Ikaw ang
pipiliin kong makasama hanggang sa pagbabalik ng Panginoon,
Dahil pangarap
kita,
At patuloy na
papangarapin..
Hanggang sa
panahong bigyang katuparan ito ng Diyos.
Rodel Ahan,
Gusto kita at Mamahalin kita.
Ikaw lang at
wala ng iba pa.
Nagmamahal,
Yhang..
Awit 37:4 “Kay
Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan.”
HAPPY BIRTHDAY MAHAL
KO <3
God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com
No comments:
Post a Comment