Friday, January 4, 2019

MATATALIM NA TIPS SA MGA TUNAY NA KRISTIYANO

1.Huwag maging hadlang ang layo ng Church. Mas malayo ang langit yet gusto mong pumunta.
2.Hindi lahat ng magagandang preachings ay tama. Maging discerning.
3.Hindi masama mag-suggest sa ikabubuti ng Church ngunit siguraduhing isasali mo ang sarili mo sa suggestions mo.
4.Kung lumipat ka ng Church at gusto mong ipagawa sa kanila ang programa ng dating Church mo, nanggugulo ka lang.
5.Siguraduhing may kasama ka na aakyat sa langit at hindi ka mag-isa. Puwedeng hindi sabay pero at least magsama ka.
6.Iwasang umutang sa mga ka-Church mo kasi hindi ka nakakatuwa.
7.Hindi memory verse and sukatan ng maturity kundi gawin mo ito at isapamuhay.
8.Tapatan mo kahit kaunting sakripisyo ang kamatayan ng Lord. Kung malayo ang Church mo ay puntahan mo. Kung walang aircon ay mag-ambag ka. Kung matigas ang upuan, palagyan mo ng foam. Bilhan mo. Kaunting sakripisyo naman.
9.Pag may project ang Church ninyo, wag ninyong iwanan. Magsama-sama at magtulungan.
10.Kapag maganda ang spirituality mo, huwag mo ng ipagmalaki, pumapangit tuloy.

By: Lifegiver Manila

God Bless YOU..
cabreraflorina.blogspot.com

ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment