Friday, January 4, 2019

RODEL AHAN

Dear Rodel Ahan,
“I want to meet you.”
Gusto kitang makilala, yung hindi lang sa chat, hindi lang sa tawag kundi sa personal.

Gusto kong malaman kung paano ka tumawa, ngumiti o kahit ano pang ekspresyon, gusto kong makita yun gamit ang aking mga mata.

Gusto kitang makita, yung tipong kaya kitang mahawakan sa kamay at mayakap, gusto kong gawin yun sayo lahat.

Gusto kitang patawaning gamit ang korni kong mga jokes, mapangiti sa simple kong banat, at makita kang pinagtatawanan ako sa tuwing magbibitiw ng sweet lines sayo.

Gusto kong maging reyalidad mo, na hindi lang nabubuhay ang ating relasyon sa basta lang chat o connection gamit ang cellphone, kundi koneksyon ng ikaw at ako sa totoong mundo.

At siyempre gusto kong makilala mo ang totoong ako. Gusto kong tanggapin natin ang imperfections ng isa’t isa.

Wala namang imposible sa mundo, kaya umaasa ako, at patuloy na aasa na balang araw magkikita rin tayo.

Gustung-gusto kong mangyari ang lahat ng iyan. Pinaghihiwalay man tayo ng distansya o ng lugar, pinagtagpo naman tayo para manirahan sa sarili nating mundo. Kaya wag kang mag-alala, darating din ang araw na makikita kita.

At ang lahat ng yan ay nangyari na. Nakita na rin kita sa wakas.

HAPPY BIRTHDAY MAHAL KO <3

God Bless Us..
cabreraflorina.blogspot.com
ios.florinac@gmail.com

No comments:

Post a Comment