Wednesday, August 3, 2016

DEAR LORD GOD,

DEAR LORD GOD,

You Lord, reign forever;
Your throne endures from
Generation to generation.

I called on Your name, Lord,
From the depths of the pit.
You heard my plea:
“Do not close Your ears
To my cry for relief.”

Because of Your great love
I am not consumed,
For Your compassions never fail.
They are new every morning;
Great is Your faithfulness.

“He who appoints the sun to shine by day, who decrees the moon and stars to shine by night, who stirs up the sea so that it waves roar – the Lord Almighty is His name.”

Love You Lord,

Yhang.

TULAD NG ISANG TUPA

Tulad ay tupang nakatakdang patayin… hindi umiiyak kahit kaunti man.
-Isaias 53:7

Iginuhit ng isang pintor ang pag-aresto kay Jesus sa Hardin ng Getsemani. Mapapansin agad sa larawan ang paghalik ni Judas kay Jesus. Pagkatapos ay mapapatingin ka sa kamay ni Jesus na nagpapahiwatig na hindi Siya tumututol sa pag-aresto sa Kanya. Bagamat mayroon kapangyarihan sa paglikha sa sandaigdigan, kusang-loob Niyang ibinigay ang kanyang sarili sa mga umaaresto sa Kanya at hindi Siya tumutol nang ipako sa krus.

Bago mangyari ito, sinabi ni Jesus sa mga nakikinig sa Kanyang pagtuturo na walang sinumang makakakuha ng buhay Niya. Kusang-loob Niya itong ibibigay (Juan 10:18). Isinulat ni Isaias ang tungkol sa kusang-loob na pagbibigay ni Jesus ng Kanyang buhay: “Katulad ng batang tupang papatayin at parang tupang hindi tumututol kahit na ginugupitan, hindi Siya umimik ni gaputok man” (Isaias 53:7).

Ang kusang-loob na pag-aalay ni Jesus ng sarili ay pagpapakita ng malaki Niyang pag-ibig para sa atin. “Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng Kanyang buhay para sa Kanyang kaibigan” (Juan 15:13). Pag-isipan nating mabuti ang pagmamahal ni Jesus sa atin. Mahal na mahal Niya tayo.

Isinulat ni: Bill Crowder

“Si Jesus ay namatay bilang kapalit Ko;
Bakit kaya nagawa Niyang mahalin pa ako?
Tinungo Niya ang krus doon sa kalbaryo;
Bakitk aya nagawa Niyang mahalin pa ako?”


ANG SUGAT SA KAMAY NI JESUS AY NAGPAPAKITA NG MALAKING PAG-IBIG NG DIOS SA ATIN.

ALAALA AT PARANGAL

Ito ang Aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.
-1 Corinto 11:24

May isang sementeryo na malapit sa Washington D.C. sa Amerika na tinatawag na Arlington National Cemetery. Araw-araw, mahigit kumulang 25 sundalong Amerikano ang inililibing doon. May mga retirado pero mayroon ding namatay sa labanan.

May isang grupo ng mga sundalong Amerikano na nakadestino sa Arlington. Trabaho nilang tumulong sa paglilibing at pagpaparangal sa mga kapwa nila sundalo na doon ililibing. Hindi naman  mapanganib ang tungkulin ng mga sundalong nagtatrabaho sa Arlington, pero nakakalungkot ito. Araw-araw nilang inaalala ang mga nagbuwis ng kanilang buhay upang maligtas sa panganib ang mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

Si Cristo naman ay namatay upang maligtas sa kasalanan ang lahat ng sasampalatay sa Kanya. Inaalala natin ang ginawa Niyang ito sa pamamagitan ng Banal na Hapunan. Noon malapit na Siyang mamatay, inutusan ni Jesus ang mga sumampalataya sa Kanya na ganapin ang Banal na Hapunan bilang pag-aalaala sa Kanya (1 Corinto 11:24). Ngunit ang pag-aalaala natin sa sakripisyong ginawa ng Panginoong Jesus ay hindi dapat hanggang Banal na Hapunan lamang. Sikapin rin nating alalahanin at parangalan Siya sa pamamagitan ng ating pamumuhay araw-araw.

Isinulat ni: B.Crowder.

“Salamat, salamat, O Panginoong Jesus,
Na kayo’y namatay para sa akin, doon sa Krus;
Tulungan Ninyo po ako na laging alalahanin
Ang Inyong ginawang pagliligtas sa akin.”


DAHIL NAMATAY SI CRISTO PARA SA ATIN, MAMUHAY TAYO PARA SA KANYA.

MAGANDANG BALITA

Hindi tama itong ginagawa natin. Magandang Balita ito at hindi dapat sarilinin.
-2 Mga Hari 7:9

May kaibigan ako noon na ang pangalan ay Graham. Bulag siya, pero sa kabila nito ay hindi niya iniisip na dapat siyang kaawaan. Sa halip, naging masipag siya sa pangangaral sa iba ng Magandang Balita na kung sasampalataya sila kay Jesus, patatawarin sila sa kanilang mga kasalanan at pupunta sa langit kapag namatay.

Sa 2 Mga Hari 7, may mababasa tayo tungkol sa apat na ketongin. Galing sila sa isang lunsod na pinalibutan ng mga kalaban. Minsan, pumunta ang mga ketongin sa kampo ng kalaban at natuklasan na nag-alisan na pala ang mga kalaban at maraming naiwang pagkain. Nang kinukuha na ng mga ketongin ang kanilang gusto, naisip nila na maraming tao sa kanilang lunsod na walang pagkain. Sinabi nila, “Hindi tama itong ginagawa natin. Magandang Balita ito at hindi dapat sarilinin (tal.9). Kaya bumalik sila at ipinamalita ang natuklasan nila. Tulad ni Graham, hindi nila sinarili ang magandang balita na kanilang nalaman.

Hindi naging hadlang kay Graham at sa mga ketongin ang kanilang kalagayan. Sa halip na sarilinin ang magagandang balita na kanilang nalalaman, ibinalita pa nila ito sa iba.

May kakilala ka ba na hindi pa sumasampalataya kay Jesus? Ipaalam mo sa Kanya ang Magandang Balita. Huwag kang magdahilan o magsabing hindi mo iyon kaya. Gawin mo na lang!

Isinulat ni C.P. Hia

“O Panginoon, kami’y Inyong tulungan
Na magbigay ng pag-asa sa sanlibutan;
Mga taong nagdurusa’y aming bahaginan
Ng magandang balita patungkol sa kaligtasan.”


BILANG PASASALAMAT SA DIOS SA PAGLILIGTAS NIYA SA ATIN, ITURO NATIN SA IBA KUNG PAANO SILA MALILIGTAS.

WALANG IMPOSIBLE

Noon di’y nagsimula siyang mangaral sa mga sinagoga na si Jesus ang Anak ng Dios.
-Mga Gawa 9:20

Hinati noon sa dalawa ang lunsod ng Berlin, at may malaking pader na nakapagitan sa kanila. Pero sa pagbisita ko sa Berlin, wala na ang pader na iyon. Habang naglalakad kami ng aking kaibigan sa lugar kung saan ay dating nakatayo ang pader na iyon, nagkuwento Siya tungkol sa mga karanasan niya habang nakatayo pa ang pader. Parang imposible daw noon na papayagan ng mga pinuno sa kabila ng pader na magiba ang pader na iyon.

Isinama daw niya noon ang kanyang mga anak para tingnan ang pader at sinabi sa kanila, “Tingnan niyong mabuti ang pader na iyan. Kapag kayo ay lumaki na at nagkaroon ng sariling anak, nandiyan pa rin iyan.” Wala pang isang taon, giniba na ang pader. Sinabi ng aking kaibigan ang natutunan niya – wala pa lang imposible.

Nang panahon ng Bagong Tipan, inuusig ni Saulo ang mga taong sumampalataya kay Jesus. Maaaring iniisip noon ng mga tao na imposibleng sumampalataya si Saulo kay Jesus. Pero mababasa natin sa Mga Gawa 9:1-9 na naging mananampalataya si Saulo nang biglang nagpakita sa kanya si Jesus. Mula noon, nagbago na si Saulo. Marami ang nagulat nang magsimula siyang mangaral ng Magandang Balita tungkol kay Jesus.

Kung may kakilala ka na sa tingin mo ay walang pag-asang magbago, alalahanin mo na walang imposible sa Dios.

Isinulat ni David Mc Casland

“Ang kapangyarihan ng Dios ay kamangha-mangha;
Ang imposible sa tao’y kayang-kaya Niya;
Huwag iisipin na ‘di Niya magagawa
Ang baguhin ang ugali ng taong napakasama.”


TANDAAN LAGI NA WALANG IMPOSIBLE SA DIOS.

KALUGOD-LUGOD NA HANDOG

Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, hindi ba kita tatanggapin? At kung hindi ka gumawa ng mabuti, ang kasalanan ang nag-aabang sa pintuan.
-Genesis 4:7

Natuwa ako nang may nagbigay ng Biblia sa aking kapitbahay. Pero nalungkot naman ako nang sabihin nito na tumigil na siya sa pagbabasa dahil nabasa niya ang tungkol kina Cain at Abel na parehong naghandog sa Dios. Gulay ang handog ni Cain, at tupa naman ang kay Abel. Nalugod ang Dios sa alay ni Abel, pero hindi naman Siya nalugod sa alay ni Cain. Ayon sa kapitbahay ko, hindi patas ang ginawa ng Dios. Kahit gulay ang inialay ni Cain, dapat daw ay tinanggap pa rin ito ng Dios. Magsasaka si Cain, at marahil daw ay gulay lang ang mayroon siya.

Ang totoo, mali ang pagkakaintindi ng kapitbahay ko. Hindi dahil sa ayaw ng Dios ng gulay kaya Niya tinanggihan ang alay ni Cain. Tinanggihan Niya ito dahil hindi sumusunod sa Kanya si Cain nang buong puso.

Madali ang gumawa ng parang sumusunod tayo sa Dios kahit masama naman ang nilalaman ng ating puso. Ngunit ito ang sabi ni sa Biblia tungkol sa mga nagpapakarelihiyoso  para takpan ang kasalanan nila “Kakila-kilabot ang sasapitin nila, sapagkat sumunod sila sa halimbawa ni Cain” (Judas 11). Mabuti maglingkod sa Dios, pero kung hindi ito bukal sa puso, hindi Siya malulugod sa atin.

Sumusunod nga ba tayo sa Dios? Kung nais nating malugod Siya sa atin, ialay natin sa Kanya ang ating buong puso at buhay.

Isinulat ni Joe Stowell

“O aming Dios, sa Inyo po iniaalay
Ang aming puso, papuri, at maging ang buhay;
Malugod nawa kayo sa handog naming ito –
Handog ng pasasalamat sa kabutihan Ninyo.”


ANG HANDOG NA KINALULUGDAN NG DIOS AY ISANG BUHAY NA INALAY SA KANYA.

ANG PUSO NI PABLO

Magkakaroon ako ng lakas ng loob na ipangaral si Cristo para sa pamamagitan ng buhay o kamatayan ko Siya’y maparangalan.
-Filipos 1:21

Ayon sa ilang aklat at liham na isinulat noon, si Pablo na apostol ni Jesus ay pinugutan ng ulo at inilibing sa Roma. Noong 2009, may mga siyentipikong nagsuri ng mga sinasabing mga labi ni Pablo. Napatunayan nila na ang mga buto ay noong kapanahunan ni Pablo ngunit hindi naman nila masigurado kung kay Pablo nga ang mga iyon. Pero kahit saan man nakalibing si Pablo, hindi naman ito gaanong mahalaga. Ang mas mahalaga ay ang ‘puso’ o naisin ni Pablo. Makikita natin ito sa mga sulat niya na mababasa sa Bagong Tipan.

Habang nakakulong si Pablo sa Roma noon, sumulat siya sa mga mananampalataya sa Filipos. Isinulat niya ang layunin niya sa buhay. “Malaki ang hangarin at pag-asa ko na hindi ako mapapahiya, kundi… magkakaroon ako ng lakas ng loob na ipangaral si Cristo para sa pamamagitan ng buhay o kamatayan ko Siya’y maparangalan. Sapagkat para sa akin, ang buhay ko ay para kay Cristo at kung mamatay man ako kapakinabangan ito sa akin dahil makakapiling ko na Siya (Filipos 1:20-21).

Nawa’y maging katulad tayo ni Pablo na masidhi ang pagnanais na maipangaral at maparangalan si Cristo. At kahit pumanaw na tayo, nawa’y makaimpluwensya pa rin ang ating buhay sa iba katulad ni Pablo.

Isinulat ni David Mc Casland

“Araw-araw po kitang paglilingkuran,
Anuman ang mangyari, susundin ang ‘Yong kalooban.
Nawa ako’y maging tapat at totoo,
Laging nagtitiwala at nakalulugod sa’Yo.”


DAPAT NAKIKITA SI CRISTO SA ATING BUHAY.

MANALANGIN MUNA

Kayo lamang ang Dios… iligtas po Ninyo kami para malaman ng buong daigdig na Kayo lamang ang Dios.
-2 Mga Hari 19:19

Karamihan sa mga tao, kapag may hinaharap na problema, gusto nila agad na makagawa ng solusyon. Pero kung ang nagtitiwalaa sa Dios ang nagkakaproblema, dapat nananalangin muna siya para masolusyunan ito.

Si Hezekias ay isa sa pinakamagaling na hari ng Juda. Ibinalik niya ang pagsamba sa Dios sa kanilang bansa matapos maghari ang kanyang masamang ama (2 Mga Hari 17:3-4). Ngunit nang salakayin sila ng hukbo ng Asiria, ibinigay niya ang lahat ng ginto mula sa templo upang hindi sila tuluyang sakupin ng mga ito. Pero hindi pa rin nasiyahan ang hari ng Asiria dito at nagbanta siyang sasalakay muli.

Kaya nanalangin si Hezekias, “Kayo lamang ang Dios sa lahat ng kaharian sa ibabaw ng lupa… Iligtas po ninyo kami para malaman ng buong daigdig na kayo lamang ang kaisa-isang Dios” (2 Mga Hari 19:15-19). Nang nanalangin si Hezekias, iniligtas sila ng Dios sa mga kaaway (tal.35-37).

Mayroon ka bang mabibigat na problema ngayon? Maaaring nawalan ka ng trabaho, magulo ang pamilya o kaya naman ay may malubhang karamdaman. Mayroon tayong makapangyarihang Dios na maaari nating mapagdulugan ng ating mga problema. Bago gumawa ng anumang solusyon, alalahanin muna na manalangin.

Isinulat ni C.P Hia

“Ang panalangin, may magandang idinudulot,
Lumalakas ang loob, napapawi ang takot,
Maging kasamaan ay nakakayang pigilin,
Kaya nararapat na laging manalangin.”


KAPAG MAY PROBLEMA, ANG PANALANGIN ANG DAPAT NA UNANG TUGON AT HINDI PANGHULING SOLUSYON.

NAKALALASONG PAMUMUHAY

Kamangmangan ang ginawa mo! Hindi mo sinunod ang utos ng Panginoong Dios.
-1 Samuel 13:13

Ang Picher ay isang abalang bayan noon sa America. Marami ditong namiminang tingga at zinc. Bagamat maunlad ang bayang ito dahil sa pagmimina, nagdudulot naman ang minahan ng grabeng polusyon. Dahil dito, unti-unting bumagsak ang Picher. Hanggang sa dumating ang panahon na iniutos ng gobyerno na abandonahin na ang bayang ito dahil sa nakalalasong polusyon dito.

Ang pag-unlad at tagumpay ay lubhang nakakaakit. Minsan, nabubulag tayo sa mga panganib na kaakibat nito. Ganito ang nangyari kay Saul, ang hari noon sa Israel. Nagsimula siya bilang mabuting hari. Pagkatapos ng ilang panahon, nasilaw siya sa kanyang tagumpay at hindi niya nakita ang panganib sa kanyang ginagawa. Sa halip na sundin ng lubos ang utos ng Dios, sinunod niya ang sarili niyang pamamaraan. Dahil sa pagsuway niya, binawi ng Dios ang kaharian sa kanya (1 Samuel 13:13-14).

Kailangan nating maging maingat sa mga ginagawa natin para umunlad sa buhay. Maaari tayong mailayo nito sa Dios. Siguradong babagsak tayo kung kakaligtaan natin ang Dios ang Dios at hindi natin Siya susundin.

Habang nasa daan ng tagumpay, laging mamuhay ng tama. Ito ang panlaban sa polusyong nakalalason sa ating pamumuhay.

Isinulat ni: Dave Brannon

“Nagbigay ang Dios ng mga utos,
Na dapat nating sundin nang lubos;
Sariling pamamaraa’y ‘di dapat ipagpilitan,
‘Pagkat kabigua’y tiyak na mararanasan.”

SA DIOS LAMANG MATATAGPUAN ANG TUNAY NA TAGUMPAY.


ASINTADO

Nagpatuloy ako tungo sa mithiin para sa gantimpala.
-Filipos 3:14

Si Matt Emmons ay nagkamit ng gintong medalya sa paligsahan sa pagbaril noong 2004 sa Olympics. Inaasahan na mananalo siyang muli sa isa pang laban dahil napakalaki ng lamang niya sa iba. Sa huling pagbaril niya, nasapul niya sa sentro ang target kaya lang maling target pala ang inasinta niya. Kaya pangwalong puwesto lang ang nakamit niya doon.sa

Ipinakita ni Pablo sa Filipos 3:14 na mahalagang ituon ng mga Cristiano ang kanilang isipan sa tamang ‘target’ o layunin sa buhay. Nakatuon ang isipan ni Pablo sa target o mithiin kaya nagpapatuloy siya hanggang kamtin ang gantimpala.

Sa orihinal na wika ng Bagong Tipan, ang salitang ‘mithiin’ sa ilustrasyon ni Pablo tungkol sa isang mananakbo ay siya ring salita na ginagamit nila sa target ng mga pumapana. Sa pagtakbo at pagpana, kailangang ituon ng manlalaro ang paningin sa tamang target o direksiyon para manalo. Sa mga Cristiano naman, ang dapat nilang pagtuunan ng pansin ay ang maging katulad ni Cristo (Roima 8:28-29, Galacia 5:22-23).

Saan nakatuon ang iyong isipan ngayon? Sa pagsusumikap ba para makaangat sa buhay? Maling target iyon. Kung nagtitiwala ka kay Cristo, ang tamang ‘target’ sa buhay ay ang maging katulad Niya (2 Corinto 3:18). Dapat tiyakin na tama ang ‘target’ na ating inaasinta.

Isinulat ni Dennis Fisher

“Pinakamimithi ng aking puso
Ay maging katulad ni Cristo,
Pinakahahangad kong maranasan
Si Cristo ay matularan.”


UPANG MAGING MAKABULUHAN ANG IYONG BUHAY, GAWING MITHIIN SA BUHAY ANG MGA LAYUNIN NG DIOS.

PAGLILIGTAS

Magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi.
-Lucas 15:7

Nagpunta kami ni Martie sa malalaking lunsod sa ilang mga bansa. Nalungkot kami ng makitang napakaraming tao ang lumilihis sa tamang landas. Milyun-milyon ang hindi pa nakakarinig ng tungkol sa ginagawang pagliligtas ni Jesus sa ating mga kasalanan. Napakahirap ilapit sa Panginoon ang buong mundo.

May naalaala akong kuwento tungkol sa isang batang lalaki na naglalakad sa dalampasigan. May nakita siyang napakaraming starfish sa dalampasigan na namamatay dahil sa sikat ng araw. Kaya sinikap niyang ibalik ang mga ito sa tubig para hindi sila mamatay. Nang makita siya ng isang dumadaan ay tinanong siya nito, “Ano ang ginagawa mo?”Sabi ng bata, “Inililigtas po ang buhay nila.” Sabi ng lalaki, “Tigilan mo iyan. Sa dami niyan, hindi mo maililigtas lahat ng mga iyan.” Sabi naman ng bata, “Tama po kayo, pero malaking tulong ito sa mga starfish na aking maililigtas.”

Tulad ng mga starfish na namamatay dahil napadpad sa dalampasigan, mamamatay din tayo nang dahil naman sa kasalanan. Kaya’t sinugo ng Dios si Jesus upang iligtas tayo. Kung magsisisi tayo at magtitiwala kay Jesus, patatawarin Niya tayo at bibigyan ng pagkakataon na makapiling ang Dios nang walang hanggan. Sinabi ni Jesus, “Maraming anghel ang nagagalak sa kalangitan kapag may nagtitiwala kay Jesus (Lucas 15:7.)

Isinulat ni Joe Stowell

“Nang dahil sa pagmamahal ng Dios sa atin,
Ang kamatayan ay ninais Niyang batahin;
Anak Niya ay sinugo upang sala’y akuin,
Upang kaligtasan ay ating tamuhin.”


KUNG IKAW AY NAILIGTAS, NANAISIN MO RING MALIGTAS ANG IBA.

HBD JAY-R CABATIC


Dear Friend Jay-R,
You are a leader.
You are born to win.
You are victorious forever.
And your…

VICTORY IS SETTLED IN HEAVEN FOREVER.

Brother Jay-R,
“When discouragement & dismayed strikes you, just remember how you have instructed many, how you have strengthened feeble hands, how your words have supported those who have stumbled; & how you have strengthened faltering knees.”

MY BIRTHDAY PRAYER FOR YOU (01 august 2016)
“Lord God, pinagpapala ko po si Jay-R hindi lamang sa kanyang matagumpay na kaarawan ngayon kundi habang panahon. Salamat po dahil si Jay-R ay naisilang sa mundong ito mula sa Iyo, para sa Iyo, at upang maging pagpapala sa maraming buhay. Salamat po dahil si Jay-R ay hindi aksidenteng lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina; dinesenyo Mo ang kanyang buhay, nakatakdang maging kagaya Mo upang mapagtibay ang kanyang pagkakahirang.”

“Salamat po Panginoong Dios, dahil ang buhay ni Jay-R ay secured, safe, saved and satisfied. Lord, I pray, surround Jay-R with the fullness of Your blessing, with a perfect health, with a true joy and inner peace. Write Your perfect will in his whole being. Let him walk in it. Lead him all the way to the fulfillment of Your will. Give him divine favor, Lord. Let Your grace overflow in his life. I asked for the Holy Spirit be upon him, Lord God. I asked that You will open his mind. Give him more insight, wisdom and understanding that he might excel in all areas of his life.”

“Hayaan Mo po o Dios na malaman ng lahat na Ikaw ay sumasa kay Jay-R; Siya ay Iyong pinili, hinirang at tinawag, at ang Iyong pagkakahirang sa kanya ay dakila. Hayaan mo na malaman ng lahat na ang talino niya ay galing sa Iyo; talino na Ikaw lamang ang mayroong kakayahang magbigay, kaalaman na Ikaw lamang ang mayroong kakayahang mag-gawad. Balutan mo si Jay-R ng walang hanggang pag-iingat. Ilayo mo si Jay-R sa masamang impluwensiya ng tao. Ilayo mo si Jay-R sa mapagsamantala, mandaraya, manloloko, magnanakaw na mga tao na ang motibo sa puso ay hindi tama at hindi matuwid. Bigyan Mo siya ng mga kaibigan at ka-trabaho na kagaya niyang may takot sa Iyo; mga taong mahal Ka, maka-Diyos, magtuturo at magpapayo ng tama sa kanya, at mga taong magbibigay sa kanya ng godly counsel.”

“Ihanda mo ang daraanan ni Jay-R hanggang makamit niya ang mga pangarap at mga naisin niya sa buhay. Bago Ka bumalik sa mundong ito, ang kalooban Mo lamang ang mangyari sa kanya at sa buo niyang pamilya sampu ng kanyang buong sambahayan. Ang talent niya ay Iyong i-multiply. Sa bawat paggawa niya ay palakasin Mo siya ng higit kaysa dati. Dalawin mo si Jay-R sa gabi sa bawat pananalangin niya. Itaas Mo ang kanyang pang-unawa sa Iyong salita na ibinababa ng Iyong lingkod – ang aming Tatay Apostol. Gamitin Mo siyang pagpapala sa kanyang pamilya, kamag-anakan, kaibigan, ka-trabaho, mga amo, kakilala, mga mahal sa buhay at sa marami pang mga tao na kanyang makakasalamuha saan mang lugar maging sa ibang bansa.”

“Lord God, bless Jay-R with the fullness of Your spirit ngayon sa kanyang kaarawan. I asked that all of Your promises be fulfilled in the life of Jay-R, in the life of his whole family, in his work, in his profession and in his future. Grant Jay-R favor from all men everywhere, anytime and always. Strengthen his faith. Make it bold like a lion and very strong like a mighty fortress. Create a heart of compassion in his heart for many souls and lives that needs Your loving touch. May his heart longs for humility, mercy and purity. May his heart always thirsty and hungry for a righteous and holy living.”

“Kung si Jay-R ay itinakda Mo sa pag-aasawa, give him the right woman. Isang babaeng mayroong takot sa Iyo, maka-Diyos. Isang babaeng siya ay mamahalin, iingatan, papatnubayan at gagabayan; sa panahong Iyong itinakda at sa edad na Iyong pinili. Kung ano ang nais Mo ay siya lamang maganap. Ang importante Lord, that it is only good thing that will come in his life. Let Your mercy, glory and goodness surround him and follows him all the days of his life that he may dwell in your home forever.”

Jay-R, I pray that God empowers you to do His will in all His likeness, image and glory, enables you to do signs, wonders and miracles for the end time harvest is for us. The Lord bless and keep you; the Lord make His face shine on you and be gracious to you; the Lord turn His face toward you and give you peace.”

“Thank You Lord God, for what I prayed will be answered in his life.  So, it is done. So Jay-R, HAPPY LIVING LIKE JESUS, GLORIOUS, PROSPEROUS, HEAVEN HERALDING, TRIUMPHANT AND SUCCESSFUL BIRTHDAY 2016. The Lord be with you forever and in your family. AMEN & AMEN.”


“Jay-R, You are a blessing. We will finish the mandate and win millions upon millions of souls before the Lord returns. God’s faithful promises be fulfilled in your life and your family. Enjoy your glory days. We are exalted from glory to glory!”
“For though the righteous fall seven times,
they rise again.”
-Proverbs 24:16
RINA CABRERA
rina cabrera is a hobby writer based in antipolo.
her brain is fueled by an early breakfast & a midnight dinner.
& she thinks best while eating cornick or chicharon with sukang ilocos.
cabreraflorina.blogspot.com/ios.florinac@gmail.com/09330507285
a woman with a  heart of a poet/share your positive mind & be a blessing!”