Wednesday, August 3, 2016

KALUGOD-LUGOD NA HANDOG

Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, hindi ba kita tatanggapin? At kung hindi ka gumawa ng mabuti, ang kasalanan ang nag-aabang sa pintuan.
-Genesis 4:7

Natuwa ako nang may nagbigay ng Biblia sa aking kapitbahay. Pero nalungkot naman ako nang sabihin nito na tumigil na siya sa pagbabasa dahil nabasa niya ang tungkol kina Cain at Abel na parehong naghandog sa Dios. Gulay ang handog ni Cain, at tupa naman ang kay Abel. Nalugod ang Dios sa alay ni Abel, pero hindi naman Siya nalugod sa alay ni Cain. Ayon sa kapitbahay ko, hindi patas ang ginawa ng Dios. Kahit gulay ang inialay ni Cain, dapat daw ay tinanggap pa rin ito ng Dios. Magsasaka si Cain, at marahil daw ay gulay lang ang mayroon siya.

Ang totoo, mali ang pagkakaintindi ng kapitbahay ko. Hindi dahil sa ayaw ng Dios ng gulay kaya Niya tinanggihan ang alay ni Cain. Tinanggihan Niya ito dahil hindi sumusunod sa Kanya si Cain nang buong puso.

Madali ang gumawa ng parang sumusunod tayo sa Dios kahit masama naman ang nilalaman ng ating puso. Ngunit ito ang sabi ni sa Biblia tungkol sa mga nagpapakarelihiyoso  para takpan ang kasalanan nila “Kakila-kilabot ang sasapitin nila, sapagkat sumunod sila sa halimbawa ni Cain” (Judas 11). Mabuti maglingkod sa Dios, pero kung hindi ito bukal sa puso, hindi Siya malulugod sa atin.

Sumusunod nga ba tayo sa Dios? Kung nais nating malugod Siya sa atin, ialay natin sa Kanya ang ating buong puso at buhay.

Isinulat ni Joe Stowell

“O aming Dios, sa Inyo po iniaalay
Ang aming puso, papuri, at maging ang buhay;
Malugod nawa kayo sa handog naming ito –
Handog ng pasasalamat sa kabutihan Ninyo.”


ANG HANDOG NA KINALULUGDAN NG DIOS AY ISANG BUHAY NA INALAY SA KANYA.

No comments:

Post a Comment