Wednesday, August 3, 2016

TULAD NG ISANG TUPA

Tulad ay tupang nakatakdang patayin… hindi umiiyak kahit kaunti man.
-Isaias 53:7

Iginuhit ng isang pintor ang pag-aresto kay Jesus sa Hardin ng Getsemani. Mapapansin agad sa larawan ang paghalik ni Judas kay Jesus. Pagkatapos ay mapapatingin ka sa kamay ni Jesus na nagpapahiwatig na hindi Siya tumututol sa pag-aresto sa Kanya. Bagamat mayroon kapangyarihan sa paglikha sa sandaigdigan, kusang-loob Niyang ibinigay ang kanyang sarili sa mga umaaresto sa Kanya at hindi Siya tumutol nang ipako sa krus.

Bago mangyari ito, sinabi ni Jesus sa mga nakikinig sa Kanyang pagtuturo na walang sinumang makakakuha ng buhay Niya. Kusang-loob Niya itong ibibigay (Juan 10:18). Isinulat ni Isaias ang tungkol sa kusang-loob na pagbibigay ni Jesus ng Kanyang buhay: “Katulad ng batang tupang papatayin at parang tupang hindi tumututol kahit na ginugupitan, hindi Siya umimik ni gaputok man” (Isaias 53:7).

Ang kusang-loob na pag-aalay ni Jesus ng sarili ay pagpapakita ng malaki Niyang pag-ibig para sa atin. “Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng Kanyang buhay para sa Kanyang kaibigan” (Juan 15:13). Pag-isipan nating mabuti ang pagmamahal ni Jesus sa atin. Mahal na mahal Niya tayo.

Isinulat ni: Bill Crowder

“Si Jesus ay namatay bilang kapalit Ko;
Bakit kaya nagawa Niyang mahalin pa ako?
Tinungo Niya ang krus doon sa kalbaryo;
Bakitk aya nagawa Niyang mahalin pa ako?”


ANG SUGAT SA KAMAY NI JESUS AY NAGPAPAKITA NG MALAKING PAG-IBIG NG DIOS SA ATIN.

No comments:

Post a Comment