Wednesday, August 3, 2016

PAGLILIGTAS

Magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi.
-Lucas 15:7

Nagpunta kami ni Martie sa malalaking lunsod sa ilang mga bansa. Nalungkot kami ng makitang napakaraming tao ang lumilihis sa tamang landas. Milyun-milyon ang hindi pa nakakarinig ng tungkol sa ginagawang pagliligtas ni Jesus sa ating mga kasalanan. Napakahirap ilapit sa Panginoon ang buong mundo.

May naalaala akong kuwento tungkol sa isang batang lalaki na naglalakad sa dalampasigan. May nakita siyang napakaraming starfish sa dalampasigan na namamatay dahil sa sikat ng araw. Kaya sinikap niyang ibalik ang mga ito sa tubig para hindi sila mamatay. Nang makita siya ng isang dumadaan ay tinanong siya nito, “Ano ang ginagawa mo?”Sabi ng bata, “Inililigtas po ang buhay nila.” Sabi ng lalaki, “Tigilan mo iyan. Sa dami niyan, hindi mo maililigtas lahat ng mga iyan.” Sabi naman ng bata, “Tama po kayo, pero malaking tulong ito sa mga starfish na aking maililigtas.”

Tulad ng mga starfish na namamatay dahil napadpad sa dalampasigan, mamamatay din tayo nang dahil naman sa kasalanan. Kaya’t sinugo ng Dios si Jesus upang iligtas tayo. Kung magsisisi tayo at magtitiwala kay Jesus, patatawarin Niya tayo at bibigyan ng pagkakataon na makapiling ang Dios nang walang hanggan. Sinabi ni Jesus, “Maraming anghel ang nagagalak sa kalangitan kapag may nagtitiwala kay Jesus (Lucas 15:7.)

Isinulat ni Joe Stowell

“Nang dahil sa pagmamahal ng Dios sa atin,
Ang kamatayan ay ninais Niyang batahin;
Anak Niya ay sinugo upang sala’y akuin,
Upang kaligtasan ay ating tamuhin.”


KUNG IKAW AY NAILIGTAS, NANAISIN MO RING MALIGTAS ANG IBA.

No comments:

Post a Comment